Nanghihinayang ang Clique V at Belladonnas na hindi sila natuloy sa “Your Moment” ng ABS-CBN 2. Nagkaroon kasi ng conflict sa schedule ng dalawang grupo under 3:16 Events and Talent Management Company ni Ma’am Len Carrillo.
Nu’ng time na may final callback na ang Belladonnas, hindi na available ang lider ng grupo na si Kyle Lucasan. Napasama kasi ito sa “StarStruck”.
Sa side naman ng Clique V, itinuloy rin ng dalawang miyembro ang pagsali sa “StarStruck”. Ito’y sina Karl Aquino at Gelo Alagban na contract star na ng GMA-7.
Hindi buo ang grupo nu’ng panahong ‘yun para sumabak sila sa “Your Moment”.
Malaking kawalan kasi si Kyle sa Belladonnas kung hindi siya magpe-perform that time. Kakaiba kasi ‘pag pumitik ito at mag-perform sa grupo. Pansinin pa ang kakaiba niyang character bilang black beauty.
Halos magkadikit noon ang schedule nila sa “StarStruck” at “Your Moment” kaya naipit sila. Siguro ay hindi raw talaga inadya na para sa kanila ang nasabing show.
Anyway, may dalawang bagong miyembro ngayon sa Belladonnas na mas bata, magaganda at mahuhusay. Tsinugi na ang mga pasaway.
Mas solido naman ngayon ang Clique V at mas disiplinado ang mga naiwan. Mas naramdaman nilang buo sila ngayon dahil nagkakasundo sila sa gusto nilang mangyari.
Grabe ang training na ginagawa ngayon ng dalawang grupo bilang paghahanda sa susunod nilang album at concert.
Bongga!
Luna Awards pukpukan ngayong gabi
Mamayang gabi na ang pukpukan ng galing sa ika-37 na Film Academy of the Philippines (FAP) Luna Awards. Gaganapin ito sa Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Ang Luna ay isang award-giving body na bukod-tangi sa bansa. Standout ito sa industriya dahil ito ay by the peers at for the peers. Paliwanag ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño, “It’s really actresses voting for Best Actress, editors voting for the nominees for Best Editing, cinematographers voting for Best Cinematography. It is the counterpart of the Oscars in the US.”
Kakaiba ang voting process ng 2019 FAP Luna Awards dahil nagsilbing voters ang mga dating nominado at panalo ng FAP Luna Awards at iba pang tanyag na award-giving bodies. Ang Electoral College nito ay binubuo ng aktibong film workers sa industriya—kabilang na rito ang Citers, Nominators, at Voters. Hinikayat ng FDCP at FAP ang film workers na makibahagi para bumoto at kilalanin ang mga kagalang-galang na nominado ngayong taon. Dahil sa peer voting process na ito, isang karangalan ang makatanggap ng nominasyon sa FAP Luna Awards.
Kamakailan ay malugod na sinalubong nina Diño at FAP Director-General Vivian Velez ang FAP Luna Awards nominees, gaya nina Chito Roño (“Signal Rock”), Kip Oebanda (“Liway”), Dwein Baltazar (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”) para sa Best Director; Nicco Manalo (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”) para sa Best Actor, Glaiza de Castro (“Liway”) para sa Best Actress; Soliman Cruz (“Liway”), Epy Quizon (“Goyo: Ang Batang Heneral”), at Mon Confiado (“Signal Rock”) para sa Best Supporting Actor; Nova Villa (“Miss Granny”), Max Collins (“Citizen Jake”) para sa Best Supporting Actress.
Pak!