Masaya ang guesting ng Clique V sa “Tambayan ng Tsika,” online show ng Abante Tonite sa Facebook Page, Youtube Channel at Abante TNT website.

Aminado ang members nito na sina Marco, Karl, Josh, Kaizer, Calvin, at Gabby na nag-enjoy sila sa pakikipagtsikahan sa tandem namin ni Alwin Ignacio. Walo ang member ng grupo, pero nasa school that afternoon sina Sean at Blaise.

Dito’y kinanta nila ang kanilang single na “Ako Na Lang Sana,”
Sino sa kanila ang lapitin ng chicks? Sagot ni Calvin, “Feeling ko si ano po… si Kaizer. Siya po lagi ‘yung talagang nilalapitan.”

Paano nila hina-handle ang aggressive fans, kung mayroon man? Gabby: “Siguro ano po, hangga’t doon lang sa limit na kaya naming makibagay sa kanila… ibi­nibigay naman namin.”

Ano ba ang limit ng Clique V sa fans? Josh: “Actually wala namang limit po, ipinapakita rin namin kung ano ‘yung maibibigay namin sa kanila.”

Kay Kaizer, ano ang pinakanagulat siya na ginawa ng fan na babae o bading? “Iyon po ‘yung ano namin, ‘yung… dinakma po,” wika niya.

Marco: “Well, I experienced that already, pero… yeah, wala kong magawa kasi I didn’t know who, hindi ko po nakita. It doesn’t matter if it’s a boy or girl, it’s still my private part,” naka­ngiting saad pa ni Marco.

Ano ang dirtiest thing na sinabi kay Kaizer habang nakikipag-love making? “Iyong naalala ko, ex kong Koreana, gustong dumila sa butt ko, siyempre pumayag naman ako, hahaha! Sobrang wild niya, eh, hahaha!” saad ni Kaizer.

Nasubukan na ba niyang makipaghalikan sa same sex. Sagot ni Karl, “Hindi pa po, pero kung kailangan, why not? Siyempre professional kami ganoon po kasi kapag actor, dapat professional ka.”

Mapapanood sila sa advocacy film na “Kodep” na iikot sa mga school very soon. Tungkol saan ang movie?

Kaizer: “Tungkol ito sa mga kabataan, it’s about drugs. Ukol sa mga estudyante na napapariwara dahil sa droga.”
Ano ang memorable experience nila sa “Kodep”? Marco: “Na-starstruck po kami kay Ronnie Lazaro, medyo nabulol ako, pero naitawid naman po, hahaha!”

Bukas, Sabado (Feb. 23) ang concert ng Clique V at Belladonnas titled “This is Me” at tiniyak ng manager nila at 3:16 Events and Talent Management lady boss na si Ms. Len Carrillo na maraming kaabang-abang na pasabog dito.

Ito’y gaganapin sa SM North EDSA Skydome, 7:30 pm. Sa direksiyon ni Robin Obispo, choreography naman nina Mia Pangyarihan at Aira Bermudez ng Sex Bomb, with Mich Garong at Donald Balbuena.

Special guest ang Kapuso actress na si Sanya Lopez, Star Music and MOR DJ Anna Ramsey at ang Hashtag members na sina CK at Zeus Collins.`