Clique V dinedma ang Invisible TikTok

NI: ROLDAN CASTRO

Iwas-bagot ang Clique V ngayong quarantine. Na-lockdown sila sa iisang bahay dahil nakatira sila sa mansyon ng kanilang manager na si Len Carrillo sa Rizal.

TikTok ang madalas nilang libangan na kung saan ay pa-yummy sila sa kanilang mga sayaw at pagkanta.

“Meron kaming mga Tiktok account at do’n namin binubuhos ngayon ‘yung oras namin para mapanood pa rin kami ng aming supporters,” deklara ni Sean.

Pero walang sumubok sa kanila ng Invisible Challenge TikTok .Ito ‘yung naghuhubo’t hubad habang nagsasayaw pero natatakpan ang kanilang katawan.

May nagbiro rin na hindi raw kasya ang sukat ni ‘junjun’ sa screen ng Invisible Tiktok. Lalampas daw at mabobosohan.

Anyway, hirit ni Marco mas tumibay ang samahan nila at nakilala ang isa’t isa dahil 24/7 silang magkakasama.

Nadiskubre raw nila kung gaano kalalim ang bawat miyembro at kung ano-ano ang kahinaan ng mga ito.

Iba raw ‘yung nagba-bonding sila sa iisang bahay, araw-araw ay nagkukuwentuhan at sabay-sabay kumakain.

Pero bukod sa Tiktok hindi pa rin nawawala ang rehearsal nila at preparasyon sa mga shows na gagawin nila pag pumayag na ang gobyerno na puwede nang mag-live show. Nagpe-perform din kasi sila sa Zirkoh.

Ang Clique V ay binubuo nina Starstruck Avenger Karl Aquino, Gelo Alagban. Nandiyan din sina Marco Gomez, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Josh Mirabel at Calvin Almojera.

May bago rin silang member na nagngangalang Ithan Magnaye. Itinuring siyang ‘COVID baby’ ng Clique V dahil na-recruit siya sa panahon ng lockdown.

Ang Clique V ay nasa pamamahala ng 3:16 Events and Talent Management.