Happy ang “Starstruck” Avenger na si Karl Aquino kahit anim na lang sila sa Clique V. Mas masaya raw ang grupo ngayon dahil mga disiplinado ang naiwan. Tatlo ang nawala.

Mas solid ang grupong ito at iisa ang focus.

Hindi iniwan nina Karl at isa pang “Starstruck” Avenger na si Gelo Alagpan ang grupo. Pero naghahanap na rin ang 3:16 Events and Talent Management Company ni Ma’am Len Carillo ng puwedeng humalili sa dalawa oras na maging busy na sila sa mga proyekto nila sa Kapuso network.

Posible ring maging busy si Kaizer Banson na kasali naman sa “Artista Teen Quest” ng IBC 13 at SMAC television Production.

Nananatiling loyal pa rin sina Marco Gomez, Sean de Guzman at Daniel Almojera.

Basta sa ngayon, ini-enjoy ng anim ang samahan nila sa Clique V. Mas lalo silang sinasanay sa pagkanta at pagsayaw para sa next album nila.

Abala rin ang Clique V sa campus tour at ilang charity works at feeding program ng komedyanteng si Diego. (Roldan Castro)