Masuwerteng nakaligtas sa pamamaril ang close-in security ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos asintahin ang minamaneho nitong sasakyan kahapon.

Ayon kay Aguirre, inakala ng kanyang security na kinilalang si Senior Inspector Ricardo Sarmiento Marasigan na may hinagis lamang sa minamaneho nitong sasakyan.

“He only learned that the vehicle was shot when he arrived at my house. He said the left headlight was damaged,” pahayag ni Aguirre kahapon nang ipagbigay-alam ang pangyayari.

Matapos madiskubre ang tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa sasakyan ay ipinagbigay-alam umano ni Marasigan sa pulisya ang insidente.

Si Aguirre ay nasa Cagayan de Oro para sa isang speaking engagement nang mangyari ang pamamaril sa kanyang close-in.

2 Responses

  1. HUWAG KA NA MAGSALITA PELUKA KING AGUIRRE,,,TIYAK SI DELIMA NA NAMAN MAY KAGAGAWAN NIYAN,,,SIGE PAGSALITAIN MO NA DRIVER MO…BAKA NAGHAHALIKAN KAYO NG DRIVER MO KAYA HINDI MO ININTINDI PUTOK…