‘Closed case’ na ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Oscar Albayalde ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila matapos na matukoy ang pagkakakilanlan ng utak ng krimen.
Dahil sa pagkakatukoy ng nag-iisang suspek na si Jessie Javier Carlos, 42-anyos, dating empleyado ng Department of Finance (DOF) ay tuluyan nang naisantabi ayon sa NCRPO chief ang anggulong may kaugnayan sa terorismo ang nangyaring pag-atake sa nasabing hotel-casino na ikinamatay ng 38-katao kabilang ang salarin noong Hunyo 3.
“We have and will continue to base our pronouncements on facts and evidence properly gathered. We will not allow people or any threat group to use this situation to advance their propaganda or personal causes whether foreign or local.
This is our duty to the Filipino people and to the international community,” paghahayag ni Albayalde sa presscon kahapon sa Pasay City kasabay nang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek.
Samantala, bagama’t ‘closed case’ na para sa NCRPO ang kaso, hindi pa naman lusot sa pangyayari ang pamunuan ng hotel-casino.
Kahapon ay hinihingan ng paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang management ng Maxim Hotel ng Resorts World Manila kung bakit hindi nakalabas agad ang 37 taong namatay sa usok na nilikha ng panununog ni Carlos sa nasabing hotel.
“The hotel has to explain to us bakit walang mga exit agad,” diin ni Pangulong Duterte na nangako sa mga kaanak ng biktima na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Binanggit pa ng Pangulo na hindi maituturing na adik sa sugal si Carlos kundi ‘habitual gambler’ na binuhos ang galit sa casino operator dahil sa kanyang pagkatalo.
“He has lost his mind. Binuhos niya ‘yung galit niya doon sa dynamics of gambling,” wika ng Pangulo sa isang ambush interview sa Subic Bay.
HAHAHA ANO KAYO NGAYON MGA ANTI DUTERTE? NGANGA! HAHAHA NAGMUKHANG TANGA UNG MGA ISIS HAHAHA INAKO UNG NANGYARI AT BINIGYAN PA NILA NG PANGALAN!! HAHAHA MUNTANGA LANG ANG MGA GAGO! HAHAHA
UU NGA EH – MATAGAL KO NA NGA SINASABI NA ‘IYANG MGA ANTI-DUTERTE NA YAN AY WALANG PANALO SA ATING MAKA-DUTERTE DAHIL NGA SA MGA SIRA ULO TAYU, DI BA? HAHAHAHA ..HEHEH
WALA NANG AANGAS PA SA ATING MAKA-DUTERTE, LALONG-LALO NA SA PAGIGING BASTOS AT BALASUBAS NATIN KAYA TALO NATIN SILA HAHAHAHA
MABUHAY TAYUNG MAKA-DUTERTE ..HEHEH
SI CARLOS AY TULAD DIN PALA NG ISANG MAKA-DUTERTE KSE “HE HAS LOST HIS MIND” HEHEHEHE