Sumiklab ang sunog sa Worldwide Corporate Center sa Mandaluyong City dakong alas-7:50 kagabi.

Nabatid na nagsimula sa kusina ng isang food stall sa loob ng gusali ang apoy na dineklarang fire out halos isang oras matapos itong sumiklab.

Sinasabing umabot sa Task Force Alpha ang sunog subalit habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire at sinusuri ang pinagmulan ng apoy.

Ang nasabing gusali ay pag-aari ng mga Villar, dito rin matatagpuan ang opisina ng CNN Philippines at ilang call center company.

Agad namang pina-evacuate ang mga empleyadong nasa loob ng gusali pero nakabalik rin ang mga ito matapos maapula ang apoy.

Wala namang napaulat na nasu­gatan o nasawi. Sa kasalukuyan ay ina­alam pa kung magkano ang danyos.