Co-owner sa titulo ng lupa

Dear Atty. Claire:

Good day po attorney.

Itatanong ko po sana kung anong mga document ang kailangan gawin. Gusto po kasi ng mother ko na ipangalan na sa akin ang titulo ng lupa namin.

May co-owner po sa titulo ang mga magulang ko. Parehong patay na ang father ko at ‘yung co-owner. Naibenta ang share ng co-owner with a deed of absolute sale & extrajudicial settlement of estate. Nakumpleto ko na pong bayaran ang nakabili nitong December.

Ano na po ang dapat kong gawin?

Gumagalang,
Mary Anne

Ms. Mary Anne:

Ang kalahati (50%) ba na pag-aari ng co-owner ng parents mo ang siyang nabili mo o lahat na ng shares sa lupa?

Dahil patay na ang tatay mo ay kailangan pa rin ng pamilya n’yo na gumawa ng extrajudicial settlement of estate maliban sa extrajudicial settlement of estate na ginawa ng pamilya ng co-owner na nagbenta sa iyo ng share nila.

Ang extrajudicial settlement of estate ay ang dokumento na gagawin at pipirmahahan ng mga tagapagmana ng namatay na may-ari ng property upang mailipat ang ari-arian sa mga taga­pagmana.

Ang dalawang extrajudicial settlement of estate ay kakaila­nganin na ma-publish sa newspaper. Kaila­ngan din na mabayaran at ma-update ang bayarin sa amilyar.

‘Pag nabayaran na lahat ay dapat na kumuha kayo ng tax clearance. ‘Pag published na ito at nabayaran ang amil­yar ay puntahan na ninyo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na may sakop at bayaran na ang mga kailangang buwis tulad ng estate tax at capital gains tax at iba pang buwis tulad ng documentary stamp tax at transfer tax.

‘Pag nabayaran na lahat ang dapat bayaran sa BIR at City Assessor’s Office ay maaari na kayong pumunta sa Register of Deeds upang mai-transfer na ang property sa iyo kung nabili mo na lahat ang shares ng iba sa nasabing lupa.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.