Pinaimbestigahan ni Rizal Congressman Fidel Nograles ang umano’y iregu­laridad sa nangyaring bidding sa sa pagpapatayo ng Kaliwa Dam sa Infanta, Quezon at Rizal.

“Mayroon silang pinapaboran na gagawa na kontraktor sa proyekto. Ito ‘yung China Engineering Corp. sapagkat ‘yung dalawang sumali sa bidding ay purposely ay hindi qualified,” sabi ni Nograles.

Nasa P18 bilyon ang gugulin sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa kabila ng epekto nito sa kapaligiran. Malaki rin umano ang inutang ng gobyerno para sa proyekto.

Ayon sa report ng Commission on Audit (COA), dinaya umano ang bidding para matiyak na mapupunta sa China Energy Engineering Corp. ang proyekto.
Gayunnman, itinanggi ni Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Emmanuel Salamat ang paratang ng COA.

“Wala tayong ganyan.” Sinunod umano nila ang itinatakda ng batas sa pagsasgawa ng bidding.

Anila, kinausap nila ang mga community na maapektuhan ng proyekto.
Ayon sa COA, hindi dapat pinayagan ang proyekto hangga’t hindi pumapayag ang bayan at mga residente.

“Kailangang malaman kung ang Kaliwa Dam talaga ang sasagot sa problema sa tubig,” sabi pa ni Nograles.

Ang Kaliwa Dam ay isa lamang sa mga itatayong dam sa Rizal at Quezon ayon sa kasunduan ng gobyerno at China.