Diretsahang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang ‘lowest bidder’ policy ng Commission of Audit (COA) ang malaking balakid sa matagal ng inaasam na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).
Binigyang-diin pa ng Pangulong Duterte na ang nasabing polisiya ng COA ang nagiging ugat ng corruption sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga sundalo nitong Miyerkules sa covered court ng Camp Gen. Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal, sinabi pa ni Duterte na hindi nito susundin ang nasabing COA rule upang mabigyan ng sapat at makabagong kagamitan ang mga uniformed personnel.
“Then I have this standing order we will buy only what is the best alam mo halos makipag-away ako sa COA na ‘yan itong insistence nila ng lowest bid sa lahat it is the source of all corruption. Kayo sundalo kayo you’ve been around and assigned everywhere ‘yung nakikitang bidding na ‘di kumpleto ano?
Mga eskuwelahan, airport tignan mo sa record sa DPWH. Ang railway limang kilometro.
Ano kasi space pero tingnan mo du’n basketball court lang. These are things corruption talaga that has destroyed our country and Congress, sa Bisaya Patubungul parang deaf and dumb.
They look the other way even in face of corruption mga to. In my time we should not be indulgent with theory so much hanap tayo paraan pa’no to alisin. Itong sa military I served notice I’ll take responsibility for it ‘di ako bibili ng armas saan-saan lang the reason is obvious ‘di ko na sasabihin,” paghahayag ni Pangulong Duterte.