Inilabas na ng Commission on Audit (COA) ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na P300,000 Audio Visual Project ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon sa COA, wala itong nakitang iregularidad matapos tapusin ang imbestigasyon sa hindi natuloy na proyekto na naging kontrobersiyal makaraang mabanggit ang AVP sa suicide note ni dating ERC Director Jose Francisco Villa.
Ayon kina State Auditor Vivencio Quiambao, Jr. at Supervising Auditor Flovita Felipe, walang nakita ang COA ng anumang isyu kay ERC Chairman Jose Vicente Salazar.
“AVP was not consummated” o ‘di natuloy, walang kontratang nai-award sa sinumang bidder at walang bayaran na naganap na may koneksyon sa proyekto,” ayon sa COA.
“No prospective bidders submitted their quotation for which it became a failure of bidding for the first posting in the Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) site,” dagdag pa ng COA.