Sinabon ng Commission on Audit (COA) ang local government unit (LGU) sa Apayao dahil sa naging desisyon nitong unahin ang pagtanggap sa mga job order worker kahit na may 102 bilang umanong bakante para sa plantilla.

Sa ilalim ng Civil Service Commission Resolution No. 02790 ay ipinagbabawal na magpasok ng personnel na magtatrabaho at punan ang bakanteng regular plantilla position.

Sa kanilang taunang report, binunyag ng kanilang state auditor na sa 950 empleyado ng Apayao LGU, 367 o 36.83% dito ay mga job order.

Nabatid na ang district hospital sa Apayao ay may kabuuang bilang na
18 job order medical officer, nurses at nursing attendant – ito ay sa kabila ng 23 unfilled plantilla spot.

“Since they (job order­ workers)­ have limited accounta­bilities and un-continuous­ services, delivery of services was affected, especially for medical and technical services,” dagdag pa ng COA. (Allan Yves Briones)