Nakaganti ang defending champion De La Salle University sa University of the Philippines matapos nilang panain ang 85-62 panalo kahapon sa 80th UAAP basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Pero walang nakuhang interview ang media kay Green Archers coach Aldin Ayo pagkatapos ihatid ang team sa 7-2 card.
Sa naunang tatlong panalo ng La Salle, no-show si Ayo sa press room. Hanggang sa pang-apat kahapon, hindi na naman siya nagpakita. Walang makuhang dahilan ang media.
Sa laro, hindi inalis ng Green Archers ang paningin sa taong nagpaiyak sa kanila na si Paul Desiderio sa una nilang pagkikita sa first round.
Nangalabaw si Ben Mbala ng 27 points, 14 na rebounds, three assists at two blocks para sa Taft-based squad, siya rin ang tinoka sa pagbabantay kay Desiderio na nalimitahan sa pitong puntos para sa Fighting Maroons.
Nag-ambag si Ricci Rivero ng 20 markers habang may 12 points at tig-three rebounds at assists si Kib Montalbo para sa La Salle na malayo na sa halftime, 51-27.
Sa first round binulaga ng UP (4-6) ang DLSU, 98-87.
Nagtala si Jun Manzo ng double-digit score na 13 points para sa UP na may 4-6 record.