May bagong Coach of the Year winner ang PBA Press Corps sa 25th anniversary presentation ng Annual Awards Night sa Lunes sa Novotel Manila-Araneta Center.
Si Chito Victolero ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang tatanggap ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy mula sa sportswriters na regular na nagkokober ng PBA.
Naungusan ng 43-anyos na bench tactician mula Sta. Maria. Bulacan sina counterparts Tim Cone ng Ginebra at Leo Austria ng San Miguel Beer. Si Austria ang nagtaas ng award sa nakaraang tatlong seasons.
Ang Coach of the Year ang highlight ng two-hour special event hatid ng Cignal TV.
Pinagtig-isahan ng tatlo ang kampeonato ng nakaraang season, pero ang roster ni Victolero sa Hotshots ang pang-ilalim sa tatlong ballclubs ng San Miguel Corporation.
Nasa kanyang pangalawang taon lang sa pagtitimon sa Magnolia, sinungkit ni Victolero ang una niyang PBA coaching championship at binasag ang apat na taong pagkatigang sa titulo ng Hotshots pagkatapos ng grand slam season nila noong 2014 sa ilalim ni Cone.