Matapos ang matagumpay na kampanya ng Sto. Tomas Golden Tigresses na makabalik sa finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament, hindi maipaliwanag ni coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr. ang pakiramdam nang i-good luck ito ni La Salle Lady Spikers counterpart para sa finals.
Winakasan ng España-based volleybelles ang halos isang dekadang pagrereyna ng La Salle sa torneo via 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10 upset win nitong Linggo sa Mall of Asia Arena.
“Ganoon pala ang pakiramdam kapag ginu-good luck ka ni Coach Ramil,” kwento ng UST taskmaster.
“Ngayon lang nagsi-sink in sa akin ‘yung ano (usapan) namin kanina. Marami man siyang gustong sabihin talagang medyo maingay na. Gusto ko man yakapin siya (pero) baka sabihin nagro-romance na kaming dalawa kanina,” hirit ni Reyes.