Depensa tari ulit ng Magnolia vs SMB
Nahanapan ng solusyon ng Magnolia Pambansang Manok kung paano tatalunin ang San Miguel Beer – depensa.
Sinikwat ng Hotshots ang Game 1 ng PBA Philippine Cup 99-95 Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Lamang pa ang Beermen 55-52 sa halftime, ipinaalala ni coach Chito Victolero sa kanyang mga baketbolista na nawawala ang kanilang identity – defense.
“They just scored 55 points in the first half, although we’re able to score too, we weren’t able to assert our identity, which is defense,” giit aniya.
Mula roon, nilimitahan ng Magnolia sa mas mababa sa 100 points ang SMB.
“That’s the key, we limit them under 100 points,” dagdag ni Victolero. “Hindi naman kami p’wedeng makipagsabayan sa kanila.”
Mag-isang binalik ni June Mar Fajardo ang Beer, sinalansan ang 15 straight points para ilapit sa isa 95-94 tapos lumamang ng 10 ang kalaban, huli sa 80-70 sa third.
Pero nagsalpak ng jumper si Ian Sangalang, dinagdagan ng dalawang free throws ni Paul Lee at naselyuhan ang 1-0 lead sa best-of-seven series na rematch ng nakaraang taong Finals.
“June Mar is unstoppable,” ani Sangalang. “He’s really dominant every game but I stayed positive, just did my job at medyo na-contain ko naman siya in the crucial part.”
Nagsumite si Sangalang ng 17 points at 12 rebounds habang binubulabog si Fajardo bagama’t tumapos pa rin ng 35 markers at 21 boards.
Pinangunahan ng 18 points ni Lee ang anim na Hotshots na umiskor ng 11 pataas. May 17 din si Mark Barroca at 16 kay Jio Jalalon.
For the record, dalawang beses pa lang tinatalo ng Magnolia ang San Miguel sa 12 match-ups sa all-Filipino.
Ang isa roon ay sa Game 1 din noong nakaraang taon, bago tinuhog ng Beermen ang apat na sunod na laro para itaas ang pang-apat na kabit na Philippine Cup crown.
Kaya inaabangan na ng Hotshots ang resbak ng Beermen sa Game 2 mamaya sa Big Dome rin. (Vladi Eduarte)