‘Coal-friendly EO’ pinarerebyu

Hiniling ng mga clean energy advocate sa Supreme Court (SC) na mu­ling pag-aralan ang Executive Order No. 30, series of 2017 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatag ng E­nergy Investment Coordinating Council (EICC).

Ito ay makaraang maghain ng petisyon sa SC ng ‘certiorari’ ang grupo laban sa nasabing EO na umano’y paglabag sa ‘separation of powers’ ng tatlong sangay ng gobyerno at sina­sabing ‘unconstitutional’.

Ayon kay Power for People Coalition (P4P) Convenor Gerry Aran­ces, ginagamit ng EICC ang EO upang mapabilis ang ‘coal-oriented projects’ bilang Energy Projects of National Significance (EPNS).

“From what we’ve seen, EO30 has been used as a tool by the EICC to expedite a variety of fossil fuel projects that is a step back from the president’s de­dication to address environmental issues and climate change,” ani Arances.

“In fact, the very first non-renewable energy project approved by the executive order was the coal-fired power plant in Atimonan,” giit pa nito.

Nabatid na ang power plant sa Atimonan, Quezon na pag-aari ng Meralco ay mahigpit na tinututulan ng mga lokal na opisyal sa lalawigan, maging ng iba’t ibang magkakaal­yansang environmentalist.