Coco allergic sa politika

Hindi nakakalimutan ni Sen. Lito Lapid ang malaking naitulong ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kanyang political career ngayon.

“Kasi, noong humahabol (tumatakbo) ako no’n, noong 2004, ang kilala nila, si Leon Guerrero. Hanggang sa 2nd term ko, Leon Guerrero pa rin. Pero itong pangatlong habol ko bilang Senador, Pinuno (tawag sa karakter niya sa FPJAP) na ang tawag sa akin ng mga bata,” pahayag ng Senador nang makatsikahan ng entertainment press last Monday at his Christmas lunch/thanksgiving.

Noong second term daw niya bilang Senador in 2010 ay halos hindi na raw siya kilala ng mga bata. Pero nang magsimula na siyang lumabas sa FPJAP ay nakilala raw siya ulit ng mga bagong henerasyon.

Inaalok nga raw siya ulit ni Coco Martin sa movie nito, pero he opted na maging fight director na lang.

“Mula nang lumabas ako sa Probinsyano, ako na nag-fight director sa 2 taon, ako rin ang nag-fight director sa Panday niya, ako rin nag-fight director sa Jack Em Popoy. Itong huli niya (3pol Trobol na entry to Metro Manila Film Festival this year), pangatlong movie niya,a ko pa rin,” aniya.

When asked kung may bayad ba siya sa pagiging fight director niya, ani Sen, “ay wala po, libre lang ‘yun.”

For the love of Coco raw at sa produksyon ay hindi na siya nagpabayad. Sa dalawang taong pinagsamahan nila ng aktor sa FPJAp ay talagang naging close raw sila at parang naging isang pamilya na.

He recalled na nang alukin siya ni Coco para sa nasabing serye ay ayaw na raw niya talagang mag-artista noon. Pero pinuntahan daw siya nito nang personal at kinausap sila ng anak niyang si Mark Lapid.

Ang sabi nga raw ni Coco sa kanya ay 2 weeks na lang at magtatapos na ang book 1 ng FPJAP. Dapat ay closing lang daw sila ni Mark pero ang 2 weeks ay nadagdagdan nang nadagdagan hanggang naging 2 years.

Sey ni Mark, “kaya ho, naging close kami kasi siyempre, parang magkakapatid na, parang anak na niya (ni Sen. Lapid), sa tagal naming nagsasama, kilala na namin ang bawat isa, kilala niya kami, kilala namin siya, hindi bilang magkatrabaho kungdi totoong tao.

Doon daw nila na-discover na mabait talaga si Coco at napakamatulungin.

Nakikita ba niyang pwedeng pumasok sa politika si Coco?

“Pwedeng-pwede, madali sa kanya, eh. Pag sasabihin mo sa kanya ‘yung politika, tumatakbo, ‘ayoko, ayoko!’” natatawang kwento ni Sen. LL.

“Ayaw talaga. Ang tingin ko, sa Senado, easing-easy sa kanya, eh. Kasi, ginagamit ‘yung Probinsyano – Probinsyano Ako, Ang Probinsyano – naka-apat na Congressman. Ibig sabihin. . .” aniya.

Sey naman ni Mark, ang payo raw talaga nila kay Coco when it comes to politics ay ‘wag na.’

“’Okay ka na diyan, ‘wag mo nang pasukan, maraming ways para makatulong,” ang sabi pa raw nila kay Coco.

Pag-iyak ni Bela inawat

Mahilig din pala sa Korean drama or anything Korean si Bela Padilla kaya napanood din nito ang original version ng Miracle In Cell No.7 . Ginampanan niya ngayon ang papel na anak ng karakter ni Aga Muhlach originally portrayed by Park Shin Hye.

“Sobrang fan ako ni Park Shin Hye,” ani Bela, “so, nun’g nalaman ko nga na magkakaroon ng Filipino version, siyempre, tuwang-tuwa ako. Tapos, much more pa nun’g napunta na ako sa set.”

At dahil nga napanood na niya ang original version, sa tuwing magsu-shoot daw siya, hindi pa nagsisimula ang eksena ay iyak na siya nang iyak. Sinasabihan nga siya ni direk Nuel Naval na ‘huwag muna.’

“Naaala ko ‘yung Korean version, alam ko kung paano mage-end ‘yung story, tapos bitbit ko lahat ng eksena ni Xia Bernardo (Vigor, ang gumanap na little Bela), alam ko ‘yung mga pinagdaanan niya, kasi, nabasa ko naman ‘yung buong script, di ba, bago ‘ko nag-shoot.

“So, bago mag-take, naiiyak ako. Sinasabihan ako ni direk na ‘huwag muna, may moment tayo, ‘wag muna, ‘wag muna,’” kwento ni Bela.

Not only that, pati raw ang mga staff pag-cut ng eksena, kanya-kanyang punas din ng tissue ang mga ito.

When asked to comment na lalaban siya sa award para sa nasabing pelikula, humble na sagot na aktres, “wow, parang hindi naman po, maliit lang ang role ko rito. Tingnan po natin. Sana.”

Ang Miracle in Cell No. 7 ay showing na sa Dec. 25 bilang parte ng Metro Manila Film Festival.