Coco, Angel lumalaban kontra pagsasara ng Dos

Nagkakaisa ngayon ang Kapamilya artist at ang mga mamamayang sumusuporta sa ABS-CBN network. Nitong umaga kasi ay nagtungo sa Supreme Court ang Solicitor General na si Jose Calida para mag-file ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN Corporation.

Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #NoToABSCBNShutdown, matapos ilabas ng ABS-CBN ang kanilang statement sa Office of the Solicitor General.

Ang actor-director na si Coco Martin ay nag-react sa kanyang network.

Aniya sa Instagram, “Mahabang taon na napatunayan ng ABS CBN na kahit na ano man ang dumating na pagsubok sa ating bansa lagi sila nandyan para tumulong sa ating bayan.”

May pahayag din ang iba pang artist na halos naging ikalawang tahanan na ang Kapamilya Network.

@Gerald Anderson, “In the service of Filipino worldwide.”

@John Prats, “My home for 28 years.”

@Gretchen Ho, “Service is at the heart of what we do.”

Maging si Eric John Salut ay sumuporta sa network, “Tapos na ang pananahimik! Laban, ABS-CBN!!!”

Maging ang aktres na si Angel Locsin ay ibinahagi rin ang kanyang pagsuporta. Aniya, “Praying that the law shall be used to protect jobs, press freedom, justice, and betterment of the Filipino people.”

Bagama’t nasa bakasyon ngayon si Vice Ganda, inilahad niya sa Twitter ang kanyang reaksyon. Aniya, “Ikalulungkot ng higit na nakararaming Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo kung isasara ang ABS-CBN.” (Rona Ronda)