Isa sa mga pelikulang tiyak na siksik, liglig at umaapaw ang kikitain sa takilya sa paparating na kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ay ang “Love or Money” kung saan ang mga pangunahing artista ay sina superstar Coco Martin at tabachingching princess Angelica Panganiban.

Bentang-benta sa akin ang marubdob na cinematic laplapan nina Martin at Angelica na kitang-kita. Damang-dama na bigay na bigay sa eksena ang dalawa.

Ang nakakadagdag kiliti pa sa nasabing tagpo, may mamang tulog na malakas ang paghilik pero ang mga katauhan nina Coco at Panganiban, wapakels. Basta ang gusto nila eh magyakapan, magsugpong ang kanilang mga labi at maaring magdilaan na usong-uso na ngayong pagpapakatotoo sa mga pelikulang may halikan sa kasalukuyan.

Kylie pumurol sa pagbabasa

Kataka-taka at kuwela itong si Versoza na host sa presscon ng SMMFF.

Sigurado naman akong hindi maliliit ang font size ng mga letra sa cue card na kanyang binabasa pero best in pagkakamali siya sa pagbibigkas ng mga pangalan, huh. Hindi ako sigurado kung ninerbiyos siya o sadyang wala sa loob ang ginagawang pagbabasa kaya nagkakamali.

Buti na lang maganda siya sa personal, at shining, shimmering, splendid ang kanyang golden cocktail dress or else, mananalig na sana akong pumurol ang kayang pagiging biba dahil nakarelasyon niya si Jake Cuenca, huh!

Nora, Iza, Shaina bakbakan sa award

Ang shoo in na magre-reynang uri sa major acting awards at tiyak na bekis choice ay ang “Isa Pang Bahaghari” ni direk Joel Lamangan na sinulat ni Eric Ramos,

Sa trailer pa lang, kitang-kita naman na all mine to give ang nag-iisang superstar Nora Aunor sa kanyang katauhan bilang isang asawang iniwan.

She is the woman to beat sa best actress category at pag hindi siya inuwi ang karangalan, humanda na ang lahat na ngitngit, poot at suklam mula sa batalyon ng mga Noranian.

Parang ang mahigpit na makakalaban ni Ate Guy ay sina Iza Calzado at Shaina Magdayao, na siya namang pangunahing babae sa “Tagpuan.”

Sa true lang, sina Calzado at Magdayao ay dalawa sa pinaka-mahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon at may impressive body of work na rin sila kung kanilang ipinakita nila ang kanilang brillo at galing bilang mga aktres

Malaking bagay rin na si Alfred Vargas ang kanilang leading man kaya mas lalong umigting ang husay nila.