Isang taon na teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Ang teleserye ni Julia Montes na Doble Kara ay nag-one year na rin.
Pero sila pa rin ba?
Bali-balita’y nagkakalabuan na ang dalawa.
Ganu’n ba talaga ‘yun na kung lucky sa career ay unlucky sa love?
Sayang naman.
***
SA All Lights India International Film Festival, nagwagi ang pelikulang 1st Sem ng Best Debut Feature at si Lotlot de Leon ay wagi ng only acting citation in the entire festival.
Also, congratulations sa team Laut ni Louie Ignacio for winning honorable mention in the main competition!
Thank you for making our country proud!
***

Mukhang mananatiling TV stars na lang sina Alex Gonzaga at Joseph Marco dahil hindi sila kinakagat sa pelikula.
Worse, ayon sa mga nakapanood, pareho silang puwedeng panregalo sa Pasko…
Mga Christmas ham!
***
Dahil sa suportahan ng mag-idol, pagkatapos manood ang Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz ng Oh Boy! concert ni Rocco, si Rocco naman ang sumuporta kay Hidilyn sa isang commercial na naging usap-usapan ng mga tao sa mga gym kahapon.
***
Ayon sa datos ng Kantar Media, wagi ang pilot week ng teleseryeng Magpahanggang Wakas sa ratings.
Nagtala ito ng weekly average national TV rating na 25.9% (mula September 19-23) at tinalo ang Alyas Robin Hood na nakakuha lamang ng 20.9%.
Bida sa Magpahanggang Wakas sina Arci Muñoz at Jericho Rosales.