PAGKATAPOS ng successful na shows sa US, balik-Ang Probinsyano ang workaholic na si Coco Martin.
Sasabak din siya sa paggawa ng pelikula kasama si Awra.
Ito na kaya ang entry niya na mangangabog sa MMFF at mas katanggap-tanggap ang kalidad kaysa sa Super Parental Guardians?
***
Hiwalay na ba itong magkarelasyon na celebrities?
Nitong Mahal na Araw, walang sightings sa totoong buhay man o sa social media posts na magkasama sila o sweet katulad nang dati.
Iba talaga ang mundo nila, pero sayang dahil noong nagsisimula pa lang sila, kitang-kita mong mahal na mahal nila ang isa’t isa. Sana, maagapang maisalba pa ang pagsasamahan at pag-iibigan nila.
***
Ang lakas-lakas ng Fast & Furious 8!
“Sold-out ang mga screening ng F&F8 last Saturday night sa Powerplant Mall sa Rockwell Center! All seats taken!” sey ng poklang si Jojo XX.
“Kaya The Boss Baby na lang ang pinanood namin.
“Marami ring nanonood ng Can’t Help Falling In Love, in fairness.”
***
Sa dinami-dami ng Cannes worthy na Filipino entry, bakit kaya walang Pinoy film na kasali ngayon sa main programming maliban sa namuhunang short films?
Mayroon namang mga bagong pelikula sina Lav Diaz at Brillante “Dante” Mendoza pero tila tahimik sila sa international festival scene ngayon.
Pati mga batang apostoles nila na masigasig, parang kailangan pang mag-double time para mapansin ulit ng Cannes.