Coco ayaw ipag-produce ang kapatid

Sobrang proud ang Kapamilya actor na si Coco ­Martin sa kanyang younger brother na si Ronwaldo ­Martin.
Katunayan, isa siya sa mga na-impress dito noong mapanood niya ito sa pelikulang “Pamilya Ordinaryo” kung saan napansin ng mga kritiko ang pagganap ng kanyang kapatid.
“Honestly, sobrang proud ako. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong nagsisimula pa lang ako. Sabi ko nga, parang mas magaling pa siya sa akin,” bulalas niya.
Bukod sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” gusto rin daw niyang makasama ito sa ibang proyekto.
“Marami na akong concept na babagay sa aming dalawa, pero sabi ko nga, gusto ko munang pahinugin siya lalo na sa indie. Marami siyang matututunan sa indie. Lalong lalawak ang pagtingin niya sa trabahong ito,” aniya.
Gayunpaman, wala pa raw sa plano niya na ipag-produce ang young actor ng indie.
“Tulad ng nasabi ko, gusto kong lu­malim bilang actor sa paggawa ng indie,” pagwawakas ni Coco.