tonite-pak-allan-diones
Bawal bang banggitin ang pangalan ni Coco Martin sa GMA?
Kahapon nang i-promote ni Maine Mendoza ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” sa “Sunday PinaSaya” (SPS) ay nalerky kami dahil hindi binanggit ni Maine ang name ni Coco.
Ang sinabi lang ni Meng na kasama niya sa movie ay si Bossing Vic Sotto “at marami pang iba.” Obvious na hindi pina-mention kay Maine ang pangalan ng isa sa mga bida ng pelikula.
Meganern ka­yang pagbabawal? Ayaw bang ipabanggit ng GMA ang name ni Coco, na mahigit tatlong taon nang pinapataob ang lahat ng prog­ramang itinatapat ng Kapuso network sa “Ang Probinsyano”?
Co-prod ng GMA with APT ang “Sunday PinaSaya” kaya puwedeng hindi ipa-mention ang name ni Coco, pero sa blocktimer na “Eat Bulaga” ay malayang nasasabi ang pangalan ni Coco na co-bida nina Bossing at Menggay sa “Jack Em Popoy.”
Pinapakita pa ng Dabarkads ‘yung part ng movie na sumali si Coco sa Mr. Pogi contest ng “Eat Bulaga.”
At dahil blocktimer nga ang “EB”, baka puwede talagang mag-guest ang Kapamil­ya Primetime King sa long-running noontime show na kakalipat lang sa bago nilang studio sa Cainta.
Dito lang puwedeng makapag-promote si Coco, sa iba pang programa ng Siyete ay baka gaya sa “SPS” na hindi siya puwedeng i-mention.
Subject pa ‘yon sa approval ng ABS-CBN, kung ia-allow nila ang kanilang Teleserye King na makatuntong sa APT Studios ng “Eat Bulaga” para sa big promo ng movie nito with Vic and Maine.
Sana ay maipaglaban ‘yon ni Coco at ma-grant ang wish niyang makapag-guest sa “Eat Bulaga.”

AlDub nag-iwasan

Waley si Alden Richards kahapon sa “Sunday PinaSaya” so hindi sila nagtagpo ng guest na si Maine Mendoza.
Wala namang iwasang nangyari, hindi lang pala talaga pumasok si Alden dahil nag-groundbreaking ang branch nito ng McDonald’s sa Biñan, Laguna kahapon nang umaga.
Taruzsh! Kung si Meng ay may sariling McDo branch sa Bulacan, si Tisoy naman ay magkakaroon din sa Laguna.
Kaya pala panay ang saya-saya ng mga post ni Alden sa social media lately dahil sa dami ng blessings na dumarating at mga pangarap niyang natutupad.
Ang sey ni Tisoy, “Pakisama nga po ako sa listahan ng mga pinakamasayang tao sa mundo.”
Hindi ka ba naman magiging pinakamasaya kung meron ka nang sarili mong McDo? Parang sure na sure na ang kinabukasan niya no’n, kahit pa magpahinga na siya sa showbiz.
Nu’ng Sabado ay magkasamang nag-prod number ang AlDub sa first live show ng “Eat Bulaga” sa bago nilang tahanan sa Cainta.
Next Sunday ay guest ulit si Menggay sa “SPS” so malamang magkita na sila ni Tisoy.
Nu’ng Sabado night, December 8, ay nag-celebrate si Alden ng kanyang 8th showbiz anniversary kasama ang kanyang loyal fans.
Sa Bahay ng Alumni sa UP ginanap ang Infinitum by AlDub Nation na seleb­rasyon ng walong taon sa showbiz ni Richard Reyes Faulkerson, Jr.
Happy 8th on 8th, Alden!!

Kasal nina Kylie-Aljur naurong

Walang naganap na Kylie Padilla-Aljur Abrenica wedding nu’ng November 18, pero may nilabas si Kylie na prenup pics nila ni Aljur.
Anyareh? Na-resked ba ang November wedding na sinasabi ni Kylie at prenup shoot lang ang naganap?
Panay ang post ni Kylie sa Instagram ng magagan­dang prenup pics nila ni Aljur, pero wala pang balita kung kailan na ang kasal.
Ang mas sigurado ay ang pagbabalik-tambalan ng KyRu loveteam nila ni Ruru Madrid sa upcoming Kapuso series na “TODA One I Love.”
Makaka-love triangle ng KyRu sa nasabing serye si David Licauco.
Ibig sabihin ay balik-trabaho na ulit si Kylie, na in fairness ay ang ganda at ang sexy pa rin, hindi halatang meron na siyang Alas Joaquin na anak.
So, paano na ang preparations sa kanyang wedding na ang alam namin ay very hands-on si Kylie?
Mas mauuna pa kaya siyang mag-taping ng “TODA One I Love” kesa maikasal sa love of her life na si Aljur?!