Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan niyong panoorin ang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.”
Umariba ang karera ni Walker sa pelikulang “Seklusyon” at naging kontrabida sa “Araw, Gabi.” Sa pelikula ni direk Ceasar Soriano, ginampanan niya ang katauhan ni Sweet, ang anak na babae ni the late Mayor Halili.
Kuwento ni Phoebe, “Yes, we did meet. She strikes as someone who is prim and proper, alam mong timid. May certain sense of composure siya. Alam mong may inner strength. Kaya nga hindi na ako nagtaka when I learned that siya ang daddy’s girl at para sa dad niya, siya ang best person na sumunod sa kanyang yapak, I am glad that she won. Maipagpapatuloy na niya ang legacy ng dad niya.
“May highly dramatic scene ako sa movie, ‘yun ‘yung time na after the mayor was shot. ‘Yung mom ni Sweet at siya, pumunta sa ospital. Doon, nag-hysterical siya. I was told na ganu’n talaga ang nangyari. Silang dalawa ni Mrs. Halili were inconsolable.”
Sa kasalukuyan, kasali si Walker sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang isa sa mga Cardo’s Angels at sa “Cuerpo Y Alma.”
Nagkasama na pala sila ni Coco sa “Ang Panday” at noong may katauhang bagay sa kanya, pinahanap siya nito.
Paglalahad ni Phoebe, “Mabait talaga si Coco. Lagi ko kasi siyang tinetext na sinasagot naman niya agad. Sabi ko if may bagay na role sa akin sa show niya, sana ma-consider ako. Eto na nga, kasali na ako.”
Naku ha, hindi kaya magdabog ang bangs nina Yassi Pressman at Julia Montes ‘pag nalaman nilang textmates kayo ni Rodel at sumasagot sa iyo, agad-agad? Iba ang alindog mo, Phoebe, huh!
***
Biktima ng sexual
harassment sa ABS-CBN
pinalalantad ni Jimmy
Ang non-entity na itatago ko sa pangalang Jimmy Bondoc, may panawagang muli. Ang kanyang hanash: “Iniimbita ko po ang LAHAT ng mga nagkwento na sa akin DATI PA ng mga personal horror stories nila ng Sexual Harassment sa major networks; pati na rin ang mga natatakot mag-report pero nakapailalim ngayon, o sumailalim noon sa masidhing pressure na ‘sexual harassment in nature.’ Bibigyan ko po kayo ng abogado if valid, wala po kayong gagastusin. Consider this a social contract.”
Ang sexual predation at power tripping na diumano ay nangyayari sa isang giant network ay isang alegasyong may tamang lugar na dapat ito ay pinag-uusapan.
Dahil nga may panawagan na si Bondoc na nasa hulog naman, nawa’y ang diumanong binaboy ang kanilang mga pagkatao eh maging matapang at harapin ang hamon. May mga ebidensya silang hawak at hindi basta hearsay at gossip lamang para gumulong ang usapin at malaman kung may merito nga ang kanilang mga kuwento.
Kung ang panawagan ni Jimmy ay magbunga, ang diva that you love, hahayaan ang mga may alam sa batas at mga abogado na magtrabaho at gawin ang mga hakbang na dapat gawin.
Kung sakaling walang aamin at mas pinili nilang manahimik, respeto pa rin ang ibibigay ko sa mga supposedly ay naging biktima ng coercion at harassment.
Marami pang mga kinukuda at hinahanash si Jimmy. Naisulat ko na ang aking nais sabihin kaya hindi ko na papatulan pa ang kanyang mga sinusulat pa.
Lumabas nawa ang katotohanan tungkol sa mga akusasyon at alegasyong patungkol sa sexual harassment at nawa’y kaya nating tanggapin kung ano man talaga ang totoo.
Sana nga may maglakas ng loob para magkaalaman na kung sino ang kayang makipagbasagan ng bayag at kung sino ang tunay na baliw.