SINUBAYBAYAN ng mas maraming manonood ang kasalan nina Cardo (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi ito natinag sa TV ratings sa buong bansa.

Tinalo nito ang pagtatapos ng dating katapat noong Biyernes (Mayo 19) at ang pag-uumpisa ng bagong karibal noong Lunes (Mayo 22).

Nitong Biyernes, tinutukan ang matamis na pag-iisang dibdib ng dalawa nang makakuha ang Kapamilya serye ng national TV rating na 36.6%, kumpara sa pagtatapos ng Encantadia ng GMA na nakakuha ng 27%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nagpatuloy ang ma­damdaming kasalan at nagsimula ang maaksyong kaganapan sa serye hanggang Lunes (Mayo 22), na nagtala ng national TV rating na 41.1%, laban sa pag-uumpisa ng Mulawin vs. Ravena na nagtala ng 22.5%.

Tinutukan ng netizens ang mga makapigil-hiningang tagpo sa seryeng pinagbibidahan ni Coco matapos ma­ging trending topic sa Twitter ang official hashtags ng palabas na #FPJAPKasal at #FPJAPSingilan.

Samantala, sa pag-aakalang tapos na ang mga kaguluhan, aabot na sa sukdulan ang tapatan nina Cardo at Joaquin (Arjo Atayde) ngayong hawak na ng huli si Alyanna.

3 Responses

  1. laos na ang gma, puro recycle na lang ang pinapalabas, akala nila mauulit yung 2005, … dati ibinalik din ang extra challenge, pero wah na talagang kachallenge-challenge.. oh ngayon mulangaw este..mulawin na naman ang nirecycle

    1. Grabe yong eksena sa probinsyano kagabi. Makapigil hininga. Kaya deserving lang na extended eto hangang 2018. Probinsyano wins! :-)