tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Ilang mga tanong na ipinadala sa aking­ Pandora’s Box ang aking sasagutin at bibigyang linaw.
“Sino po sa tingin niyo ang mas kikita sa MMFF Box Office, ang Jack Em Poy: the PulisCredibles o ang Fantastica, the Princesses, the Prince and the Perya?”
Kung ito talaga ay tanong sa isang patimpalak kagandahan, siguradong thank you, girl na agad ako.
Hahahaha. Ang aking­ hanash, “Hindi ako manghuhula.
Kaya wala akong malay kung sino ang mangunguna. Ang madlang pipol at dabarkads ang makaka­sagot sa iyong very wonderful question. Basta ang alam ko, pisakan ng betlog sina Vic Sotto, Coco Martin, Dingdong Dantes, Richard Gutie­rrez at Vice Ganda sa kanilang giyera sa takil­ya. Yes, meron pa rin ang Queen Bayot and I believe, sa kanya ang pinakamalaking betlog! And I, thank you!”

Xian laos na

“Kamusta na po si Xian Lim, ano na pa ang bago sa karera niya?” Ang ­aking pagpatol, “Aminin niya man o hindi, the WHO na si Xian Lim. Pinag-uusapan lang siya dahil nobyo siya ni Kim Chiu. ‘Yung best suppor­ting award turned out to be a fluke, at wala naman siyang naidagdag na megawatt power sa Ms. Granny ni Sarah Geronimo.
Anyone can give better justice to his thanks, but no thanks, role.
Niche na niya ngayon ang pageant hosting. Naging leading man rin siya sa isang music video of a female artist from Bangkok. Chugi siya sa Ulan kasi nag-inarte raw. Kaya, malalaman pa natin kung magagawa niya pa ang 7 pictures sa kanyang contract. Ang salvation na lang niya, ang Cinemalaya movie niya na siya ang directed by. ‘Pag iyon hindi pa naging maganda ang pagtanggap, from the WHO, finality the WHO na siya, agad-agad!”

‘Rainbow’s Sunset’ babaliin ang paniniwala sa ‘gay love’

“Akala ko po ba family drama ang Rainbow’s Sunset, bakit po pulos sa kabaklaan nakasentro ang chika tungkol sa pelikula?”
Ang aking kuda, “May masama ba kung sa kabaklaan nakasentro ang chika? Wala ka bang kilala o kaibigan man lang na bading kaya ganyan ang tanong mo? Hindi masyadong halata ang pandidiri mo, ning, huh! Dapat lang na ma-highlight ang different kind of love angle sa Rainbow’s Sunset dahil ang kakaibang pagma­mahalan nina Ramon at Fredo, kasama si Sylvia, ang puso ng pelikula. Hindi ito dapat maging issue, mas lalong hindi dapat ma-turn off ang mga tao dahil pambihira at wagas na pagmamahalan ang sinalamin at ipinakita sa Rainbow’s Sunset. Pinapatunayan nito na ang mga kakaibang pagmamahalan ay pangmatagalan at pangma­lakasan.
Marami itong babaliing paniniwala tungkol sa gay love. At walang duda, marami ang yayakap at magmamahal sa pelikula. Huwag magpadalos-dalos sa panghuhusga,
pwede?”