
Ang diva that you love, hibang na hibang sa katotohanang ang mga taga-Mother Ignacia station, kailangan pang ipamukha sa mga powers that be, na kathang-isip ang FPJ’s Ang Probinsiyano.
Katataka-taka at tunay na nakakatuliro na “bothered” at tila “balat sibuyas” ang ilang matataas na opisyal tungkol sa unfair portrayan ng mga kapulisan sa top rating at longest running primetime show.
Ano ito, television art imitating life? Parang hindi naman. Kung talagang sakdal linis at bokasyon ang turing ng mga pulis sa sinumpaan nilang trabaho at in the truest meaning and sense of the words alagad ng batas ang kanilang ginagawa, eh ‘di sana super payapa na ang Mega at Metro Manila. Walang snatcher at holdaper. Walang user, pusher at drug lord. Walang
nangongotong. Walang humuhuli kahit walang violation. Walang kung ano-anong kabalbalang nababasa sa mga pahayagan at napapanood sa news reports tungkol sa mga pulis na abusado.
And mind you, hindi isolated cases ang mga pag-aabuso, hindi ba naman? Hindi na kailangang i-enumerate pa kung bakit sa araw-araw, sangkot ang ilang mga kapulisan sa mga kahindik-hindik at kagula-gulantang na mga bagay-bagay.
In fairness sa FPJ’s Ang Probinsiyano, sadyang sakdal husay ang mga artista, manunulat, director, creative, technical at production team kaya ang mga tagasubaybay nito ay patuloy ang panonood.
Hindi na sila kailangang pagsabihan pa. Hindi na nila kailangang makipag-usap pa sa MTCRB patungkol sa depiction nila sa mga kapulisan dahil nga drama ito, palabas sa telebisyon.
Pasintabi na po, mga sir, lalo na ‘yung “uncomfortable” sa pinanood nila, mas grabe po ang drama sa totoong buhay na kinasasangkutan ng ilang mga kapulisan, hindi po ba?
Is this a case po ba na ang unang umaray ay guilty? Hindi naman po Ang Probinsiyano ang dahilan kung bakit hindi maganda at kainaman ang imahe ng mga kapulisan, kayo-kayo rin po ang dahilan.
Siguro po, mas pag-igihan niyo ang serbisyo-publiko. Paano niyo gagawin iyan? ‘Yung mga may alegasyong tokhang cops, ipatapon sa lugar na malala ang digmaan. ‘Yung mga nalalasing na nagpapaputok ng mga baril nila kung saan-saan o kaya naghahamon ng away, paki-bartolina. ‘Yung mga kapalit ang puri cops, paki-kapon. ‘Yung mga kapulisang timbog na gumagamit o sangkot sa droga, agad-agad, pakiputol ang dila, dukutin ang mga mata, putulin ang mga daliri para magtanda.
Hindi pa tayo bulbuling lahat, ang mga kapulisan, masama na ang imahe. Wala pa po si Kuya Cardo, karamihan, hindi kumportable pag may police presence. Kaya, ‘wag na lumayo sa obvious na obvious. Hindi po Ang Probinsiyano ang dapat sisihin at may kasalanan. Pwede po ba tumingin kayo sa mga salamin para makita niyo agad-agad ang sagot.
Sa true lang, walang dahilan para si Coco Martin ay mag-apologize sa balat sibuyas gang pero ginawa niya pa rin. Ganiyan kabuti at kabait si Rodel. Handa pa nga itong makipag-meeting sa mga “nasaktan.”
Arte much, huh! Sure na sure na mangyayari ang tagpuan na iyan alang-alang sa photo opportunity at media mileage. Hay naku!
Tsuktsakan ng KimXi ikakataas ng bangs
May isang malakas na loob na katkatera ang nag-personal message sa inyong diva that you love, tinatanong kung ano ang opisyal na reaksyon ko sa pag-amin ni Kim Chiu sa show ni Boy Abunda na in a relationship sila ni Xian Lim.
Ning, ang masasabi ko lang diyan, kinaganda ba niya at kinatangos ng ilong niyang hindi naman ganyan dati?
May kinikilig pa ba? Siguro kung inamin niyang nagse-sex sila ni Lim baka sakaling nagdabog pa ang bangs ko in five seconds.
Kung dati smitten ako kay Xian dahil akala ko mabait siya at puwedeng maging kaibigan, maling akala ko pala iyon.
Nag-move on na ako sa ilusyon ko na siya ay aking hubby Xi. Hayaan na natin sila ni Kim na magmahalan lalo na nga’t hindi pa nakikita ni Chiu na siya ang magiging tunay na Mrs. Xian Lim sa malapit na hinaharap.
Arjo-Maine aamin sa Pasko
Sa isang pahayag, inamin ni Arjo Atayde na “Masaya po. Masaya ako,” na kanyang tugon sa tanong tungkol sa kanyang lovelife. Ang mas mainam na tanong, si Maine Mendoza ba ang dahilan kaya masaya siya? At aamin na ba sila sa malapit na hinaharap dahil nga sa mga lakad nila, marami ang nanalig na couple na sila?
Malalaman ba natin ang mga sagot ni Atayde ngayong Christmas at holiday season o sa bagong taon na?