PINURI kamakailan ng Kongreso ang ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano para sa pagpapalaganap nito ng crime awareness at prevention.

Inendorso ng Kongreso ang bida ng serye na si Coco Martin upang ma­ging “Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines”.

Sa inihaing House Resolution No. 358 ni Rep. Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs noong September 14, pinuri nito ang producers, cast, at crew ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pagtalakay nito ng mga kontrobersiyal na mga isyu gaya ng corruption, medical malpractice, narco politics, ninja cops, sex trade, paggawa ng iligal na droga, drug couriers at pagbebenta ng party drugs.

“Isinisiwalat ng FPJ’s Ang Probinsyano ang samahan ng mga sindikato ng droga na kinasasangkutan ng mga iskalawag na pulis habang ipinakikita rin ang hirap at dedikasyon ng mga huwarang miyembro ng kapulisan,” sabi ni Barbers sa House resolution.

Ayon kay Rep. Barbers, tinatalakay rin ng palabas ang mga isyu gaya ng pagnanakaw, homicide, illegal recruitment, extortion, kidnapping, carnapping, cybercrime, guns for hire, riding in tandem, fraud, child abuse, human trafficking, terrorism, at drug trafficking.

Pinuri niya ang pagbibigay kaalaman ng pa­labas sa modus operandi ng mga sindikato sa pag-recruit ng mga tauhan o pagbihag ng mga susunod na biktima gamit ang infomercial segment ng serye kung saan inilalahad ni Coco ang mga krimen, multa, at mga paraan upang makaiwas sa mga ito.

“Ipinakikita rin ng palabas ang kahalagahan ng pamilya at komunidad, partikular na ang opisyales ng barangay sa pagpapatupad ng batas at pagpaparusa sa mga kriminal,” dagdag pa niya.

***

May talent din sa photography si Louise de los Reyes sa magaganda niyang photos na ina-upload sa social media.

Nagbunga ang pagkahilig niya sa photography dahil siya ang bagong brand ambassador ng Fujifilm X-A3 camera.

“So happy to announce that I am now part of the @fujifilmph family and will be one of the Ambassadors of the new Fujifilm XA3. Join me on Sept. 24 at Trinoma Activity Center for more instagrammable moments. #FujifilmLifestylePhotofest #FujifilmXA3 #TeamInstaxPH”

***

Iba talaga ang galing ng Kapuso stars.

Pinarangalan recently ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang Encantadia star na si John Arcilla bilang Best Actor sa katatapos na Luna Awards para sa indie film na Heneral Luna.

Ang Cannes Film Festival 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose ay tumanggap ng recognition mula sa FAP para sa kanyang pagganap sa Ma’Rosa.

Ayon sa Instagram post ng A1 Ko Sa’yo at Alyas Robin Hood star, nagpasalamat siya sa Star for all Seasons na si Vilma Santos at FAP President Leo Martinez sa pag-nominate ng Ma’Rosa sa 2017 Oscars.

“With Ms. Vilma Santos and the president of FAP. Thank you for recognition. Thank you for giving Ma’ Rosa a chance to be part of Oscars, we are praying for support”.

2 Responses