tonite-this-is-it-roldan-castro

Sentro ng intriga ang Instagram account ni Coco Martin. Nag-post siya ng dalawang magkasunod na la­rawan ng magagandang lugar.

Tinatanong ng mga netizen ang aktor kung nasaan ang aktor ngayon. May nagsasabing dumalaw at sinundan diumano ni Coco si Julia Montes sa Germany.

Kanya-kanyang hulaan ang madlang pipol.

@iamsaniah_04, “@yassipressman Nasa germany k.”

@febzpat, “Grand Canyon Arizona USA….”

@jas_oquinn, “@cocoyassfever meron na sis..nag comment na germany daw to!!!!”

@ cocoyasstfcglobal, “@little_alyana kidlat sa Germany ganyan yung kidlat sa Germany baby… basta may kakaibang lugar post ng tatay mo Germany yan.”
@cocoyasstfcglobal, “@hyu_me_kuhahahahaha lagi nalang dalaw buntis si julia wahahahaha” hindi na kayo mahiya no? Mga supporters ni julia ang saya saya ni direk coco may ka date si siya nong Valentines.”

Para sa ikakalinaw ng isyu nag-chat kami sa kanyang manager na si Biboy Arboleda kung nasa bakasyon ba si Coco sa abroad o nasa Pilipinas ngayon.

“Nasa Manila siya Roldan. Salamasteh,” pakli niya.

Clear!

***

Speaking of Coco lagi siyang hinahanap sa pag-iikot ni Lito Lapid. Pati na rin si Angel Locsin na naging katambal niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Tumatawa nga niyang sabi kung kailan siya tumanda ay saka pa raw siya nagkaroon ng loveteam.

Anyway, tatak na niya ang pangalang Pinuno (karakter niya sa serye) dahil ‘yun ang tawag sa kanya.
“Kaya nagpapasalamat nga ako kay Coco, sa ABS-CBN, sa mga direktor, mga kasamahan ko lahat sa Probinsyano, malaking bagay talaga, at parang napapalitan na nga ang pangalan ko. Ang tawag sa akin, pinuno na.

“Kaya lang maraming nagsasabi, bakit daw ako pinatay do’n, kung minsan kasi ‘yung iba, hindi rin maintindihan dahil dito politikang papasukan kong panibago, bawal na,” lahad ng senatoriable.

Wala rin daw usapan na sasamahan siya nina Coco at Angel sa pangangampanya. Nahihiya raw siya.

Pero kung susuportahan daw siya ni Coco ay sobrang ipagpapasalamat niya.

Talbog!

Anyway may pelikula siyang tinatapos entitled “Vendetta: Lumang Bakal.”