tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMangangalahati pa lang ang taon, may pangmalakasang pagsasanib-puwersa na, huh. Ang kaganapang ito, mangyayari sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Queen Bayot Vice Ganda, ang reyna ng mga bading sa kasalukuyan at ang prinsensang makapal ang labi, si Anne Curtis, siguradong-sigurado na raw ang pagsasama sa pelikula. Si Jose Marie ang nag-anunsyo nito sa “It’s Showtime.”

Ang reaksyon dito ni Mrs. Erwan Heussaff, kabado at nasasabik dahil nga bago ang comedy sa kanya. Mas madalas kasi, drama ang ginagawa ni Anne.

Ang magandang abangan sa pelikula, kung sino ang mangangabog sa fashion. Sino rin kaya ang lala-king pag-aagawan nila kung saka-sakali? May mga young love team kaya muling ilalahok? May cameos kaya ang mister ni Anne na si Erwan at ang “mister” daw ni Ganda na si Ion Perez? O baka naman, bidang-bida rin sa paparating na pelikula si Perez? Ano ito, package deal?
Ano kaya ang masasabi nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin sa pagsasamang ito nina Viceral at Mrs. Heussaff? Magsasama kaya silang muli? May tsismis na isang sikat na Kapuso actress ang makakasama ni Coco.

Sa huling MMFF, si Vice pa rin ang nag-reynang uri. Ang baklang bayagan, kinabog ang dalawang uragon. Anong pelikula nga kaya ang puwedeng dumikit o maaaring tumalo sa nangangamoy-number one na naman sa MMFF?

Sure na sure, ni hindi natin kailangan ang perlas na bilog ni Madam Bola, pati na rin ang mga vibe ni Madam Auring o Madam Elma, sa apat na finished script, pasok na pasok sa banga ang Vice Ganda-Anne Curtis movie.

‘Yung totoo, Anne? Bakit pa kayo magsasama ni Vice kung wala kang pakialam sa box office? Iba rin ang kiyeme, huh!
***

Ang walang kakiyemehan, ang FB post ni Gerald Salonga na binahagi ni Lea Salonga. Ang hanash ni younger brother Salonga: “Was watching a noon time variety show, and my daughter very accurately remarked, ‘they’re singing out of tune and way too slow’. Producers and artists alike – please realize that there are a lot of people who actually listen, and not merely dazzled by the stars.”

***

Gerald Salonga narindi sa
sintunadong singer

O, ‘di ba, nasa hulog naman ang punto ni younger Salonga? Hindi na ako nagtaka na Inglisera ang kanyang anak na babae pero nakaka-impress na hindi siya tone deaf.

Ang dapat malaman ngayon, sino ang mga mang-aawit na wala sa tono at ang musical director nila sa show, sila ay talakan privately dahil hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho na kainaman?

Sure naman akong hindi ito “Sunday PINASaya,” hindi Salonga, parang may pananalig ako na ‘di niya type ang perya programa.

Ang liner ni a miss called Lea sa katotohanang ito: “I’d like to think that we deserve far better than we’re being offered. Haist! Ewan!”

Iyan ang Salonga siblings. Ating tularan. Yes, bilang mga manonood, kahit pa libre ‘yan sa telebisyon, mas lalo na ‘pag may bayad, we all deserve better if not the best live entertainment.