Coco, Kim makikipagbasagan ng mukha

NI: ROLDAN CASTRO

Naglitanya si Kim Chiu sa shut down ng ABS-CBN 2. Hindi niya mapigilang ilabas kung ano ang kanyang nararamdaman at ipinaglalaban.

Mababasa sa kanyang Instagram account: β€œπ˜Όπ™”π˜Όπ™‰! π™π˜Όπ™‚π˜Όπ™‡π™Šπ™‚ π˜Όπ™ π™€π™‰π™‚π™‡π™„π™Žπ™ƒ π™‰π˜Ό π™‹π™Š π™”π˜Όπ™‰! π™‹π˜Όπ™π˜Ό π™ˆπ˜Όπ™Ž π™ˆπ˜Όπ™„π™‰π™π™„π™‰π˜Ώπ™„π™ƒπ˜Όπ™‰ 𝙉𝙔𝗒!Hindi na sapat ang manahimik lang sa situwasyon ngayon. Lalo na’t puno ng trolls, tards, bashers at kung ano man ang tawag sa kanila. Sa mga taong nagtatago sa likod ng sampu, benteng account! Para lang murahin kami! Pagsalitaan ng masama! Apak apakan!!!ikinayaman nyo ba yan?!!! Ang sabihan kami ng masasamang salita?!!!! Oo hindi ako graduate ng LAW. Pero nagsikap ako para marating kung nasaan ako ngayon DAHIL YUN SA KUMPANYANG ITO NA HANDANG TUMULONG SA BAWAT PILIPINO!!! β€οΈπŸ’™πŸ’š nakilala nyo kami dahil napanood nyo kami sa ABSCBN!

β€œHindi na kami dapat matakot sa inyo!!!Kailangan na natin magsalita at Ipaglaban ang tahanang nagbigay sa atin ng inspirasyon, ng ngiti sa labi at lumalaban ako ngayon dahil ito ang tahanang naglagay sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa ABSCBN. #hindikamitatahimik #lalabanparasakatotohanan #notoabscbnshutdown .

β€œ sana ay tulungan nyo rin po kami MGA KAPAMILYA. #NotoAbsCbnShutdown SA LAHAT NG BUMUBUO NG NTC, kay sir allan cayetano, kay solgen calida at sa lahat ng may tao sa likod ng cease and desist order sana po ay IBALIK NINYO ANG KARAPATAN NG ABSCBN SA MALAYANG PAMAMAHAYAG.”

Nag-react naman @mr.cocomartin, β€œSIGE KIM NASALIKOD MO KAMI WAG KANG MATAKOT SA MGA YAN PURO LANG SAT-SAT ANG MGA YAN WALA NA TAYO TRABAHO PWEDE NA TAYO MAKIPAG BASAGAN NG MUKA!!!”

Mababasa rin sa mismong IG account ni Coco” β€œGANITO KASIMPLE YAN MGA KAIBIGAN LAHAT NG MGA AYAW SAMIN AT GALIT SA ABS CBN AT NAGDIDIWANG NGAYON WAG NYO KAMI IFOLLOW HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN PARA LAITIN KAMI AT PAGTAWANAN SA PINAGDADAANAN NAMING LAHAT! YUNG MGA TOTOONG TAGAHANGA NAMIN AT NANINIWALA SAMIN ANG MANATILI SA IG ACCNT NAMIN YUNG MGA BASHERS AT TROLLS NA NAKIKISILIP LANG AT MAY OPINION PA, SA BUHAY NAMIN MALAYA PO KAYO MAKAKAALIS HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN!

β€œHINDI KAMI MAMATAY PAG UMALIS KAYO IKATUTUWA PA PO NAMIN MARAMING SALAMAT PO! IFOLLOW NYO MGA IDOL NYO. HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN!!! SALAMAT PO…”