Coco mainitin ang ulo sa ‘Ang Probinsyano’

RONALINE AVECILLA

Pinuna ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang pagbabago sa pag-uugali umano ni Coco Martin dahil sa intirigang kinakaharap niya.

Aniya, “Napakayabang ng mga ipino-post ni Coco Martin. Nakakapanibago ang dating tahimik lang na action star na ito. Galit siya sa mundo. Galit siya sa mga bashers at sa mga taong nanghihimasok daw sa kanyang pribadong buhay.”

Isiniwalat diin ni Cristy na ang pagiging mainitin na ulo ng aktor na naging dahilan umano ng pag-alis ng dalawang direktor sa Ang Probinsyano.

Hindi naman naging maganda ang feedback ng mga netizen sa aktor at lumalabas na umano ang tunay nitong kulay.

May nagtatanggol naman sa kanya na baka dala ito ng stress. Pinagsasabay niya kasi ang pagiging aktor at direktor.