HAVEY: Nairaos ang unang weekend ng Cinemalaya nang dumagsa ang mga tao sa Cultural Center of the Philippines.
Unang ipinalabas among the official entries ang Kusina ni Judy Ann Santos na puno at kahit sa hagdan ay may nakaupong mga tao.
Pinasalamatan sila nang personal ng isa sa cast members na si Luis Alandy.
Naramdaman ni Luis ang mainit ang pagtanggap ng mga tao sa pelikula at marami ang nagdarasal na sana ay si Juday ang magwaging Best Actress.
Puno rin ng tao ang sumunod na palabas na Dagsin at pinuri ang acting ng mag-inang Lotlot de Leon & Janine Gutierrez, ngunit ang lumutang sa mga eksena ay si Tommy Abuel.
Namataan si Benjamin Alves na dumalo sa screening ng pelikula.

Maganda rin ang attendance sa Studio Theater para sa pelikula nina Nora Aunor & Barbie Forteza na Tuos.
Ang pagdalo ni Coco Martin ang nagpaespesyal ng premiere ng pelikulang Pamilya Ordinaryo bilang suporta sa kapatid niyang si Ronwaldo Martin na sinasabi niyang mas mahusay pang umarte sa kanya noong nagsisimula pa siya, which is highly debatable.
All in all, engaging ang pelikula tungkol sa batang ama at ina na nanakawan ng anak.
Ang iba’t ibang pinagdaraanan ng Amerasians ang subject matter ng pelikula ni Bela Padilla na I America.
May balanseng comedy at drama ang pelikulang mahusay ang cinematography.

Ang talk-of-the-premiere ay ang pagdalo ni Angel Locsin sa naturang gala in support of Bela Padilla.
Ayon sa mga nakasaksi, mas pinagkaguluhan si Coco kaysa kay Angel.
As the days go on, aasahan nating mas maraming artista ang dadalo sa Cinemalaya screenings sa CCP.
Mamaya, may meet and greet si Joem Bascon sa sold out na namang screening ng Kusina sa Tanghalang Huseng Batute.
Mamaya rin ang gala premiere ng Tuos kaya inaasahan ang pagdalo ni Barbie Forteza at ng nag-iisang Superstar Nora Aunor.
***
WALEY: Kung wala mang plano na TV show ang APT para kay Kris Aquino sa ngayon, o hindi rin umubra ang tambalan sanang Vic Sotto & Kris Aquino with AlDub, meron isang namumuong plano para sa Queen of All Media.
Supposedly, isa itong pelikula tampok si Kris at ang JoWaPao (JOse, WAlly at PAOlo) bilang mga lola.
Ngayon, paano kaya ang isa pang pelikula ni Paolo na Die Beautiful na prospective entry rin sa Metro Manila Film Festival 2016?
May limit ba sa number of entries ang isang lead star?
Well, tingnan muna natin kung matutuloy ang shooting nila at matatapos ito at makakaabot sa deadline na end of October.
Iba pang usapin kung makakapasok pa ito sa Magic 8 entries among the 52 or so na nag-submit ng Letter of Intent ng pagsali.
Oh well, good luck talaga!!!
***
WEHHHHH: Condolence sa mga naiwan ng yumaong direktor at discoverer ng mga artista na si Direk Deo J. Fajardo.
Abala si Robin Padilla at ang manager nito na si Betchay Vidanes sa pag-aasikaso ng kanyang burol sa St. Peter Memorial Chapels sa Commonwealth Ave., QC.
nag iisang superstar para sa iyo unggoy! laos na yan nura mo at semplang lahat pelikula. dapat term ay dating superstar! yan ang totoo!
NATURAL KUNG MGA BABAE AT BAKLA PAGKAKAGULUHAN SI COCO….PERO KAMING MGA BARAKO SEYEMPRE MAGKAKAGULO KAMI KAY PRETTY ANGEL KO…PISNGI PA LANG TULO LAWAY NA AKO…EH KUNG YUNG NGIPIN NA….LAGLAG NA KO!!!!!
Noel Ferrer, hindi naman dapat intrigahin kung sino pinagkaguluhan. I’m sure pareho silang sikat. Ang dami kong nakitang post – selfie with Angel ng mga uamattend sa Cinemalaya. So sino ang pinagkaguluhan
walang entry ang APT. ayaw nila kalabanin si Bossing
IDOLO KO ANG 2 IYAN,HUWAG KANG MANG INTRIGA NF.
THANK YOU ANGEL SA PAGSASABI PREEEETTTYY SI YAYA DUB