Coco, Mylene, Andi nagtatanim na lang

Dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon, natuto ang ilan sa ating mga kilalang celebrities na mag-gardening.

Nagtanim ng iba’t ibang gulay sa kanilang respective backyards sina Coco Martin, Mylene Dizon, Teresa Loyzaga, Andi Eigenmann at iba pa.

Si Mylene ay nakakapag-harvest na ng mga gulay na siya mismo ang nagtanim tulad ng eggplant, tomatoes, squash, lettuce, okra.

Ganoon din si Teresa sa kanilang ancestral house backyard sa Antipolo.

Si Andi naman ay bago pa lamang natutong magtanim ng iba’t ibang gulay at fruit bearing trees sa kanilang bakuran sa Siargao.

Ipinakita naman ni Coco ang mga bagong harvest na ampalaya at talong na hango sa kanyang bakuran sa Quezon City.

Magandang therapy ang pagtatanim ng gulay lalo na kapag nagsimula ka nang mag-harvest ng iyong pinagpaguran.

***

Mister ni Sylvia naiwan sa ospital

Tuluyan nang nakauwi sa kanilang bahay si Sylvia Sanchez matapos itong mag-negatibo sa kanyang final test ng COVID- 19 .

Two weeks din siya sa pagamutan kasama ang kanyang asawang si Art Atayde.

Naiwan pa si Art sa ospital for another three days bago ang kanyang final testing .Pero, clear na ito sa pneumonia at iba pang sintomas.

Mananatili pa rin si Sylvia na naka-quarantine sa kanilang bahay sa loob ng fourteen days bago ito makisalamuha sa kanyang mga anak .

Nagpasalamat si Sylvia sa Diyos at sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanilang mag-asawa.