HINDI NAAGAW! Nakaupo pa rin si Coco Martin sa trono bilang hari ng primetime!
Nananatili ang Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang numero unong teleserye sa bansa.
#1 pa rin ito sa nationwide ratings noong Lunes (Hulyo 18).
Inabangan at kinapitan ng bansa ang naudlot na kasiyahan ng kaarawan ng lolo ni Cardo (Coco Martin) na si Delfin (Jaime Fabregas) matapos itong barilin ng hitman na si Hector (Cesar Montano).
Nagtala ito ng national TV rating na 42.4%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas mataas ito kumpara katapat nitong Encantadia na nakakuha lamang ng 21% sa una nitong episode.
Hindi rin nagpahuli ang netizens na tinutukan ang maaksyong eksena ng serye.
Kabilang sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag na #FPJAPUltimatum.
Lubos na papuri ang ibinahagi ng netizens sa galing ng bidang si Coco at sa cast ng palabas.
Ipinamalas din nila ang kanilang paghanga sa mga eksenang mala-pelikula ang kalibre.
Mula nang umere sa telebisyon, ipinakita ng FPJ’s Ang Probinsyano ang kahalagahan ng kapakanan ng pamilya at pagkakaroon ng matinding pagmamahal para sa bayan sa bawat episode.
Dahil dito, patuloy ang pagsubaybay ng mga manonood sa kwento nitong napapanahon at sumasalamin sa buhay ng pamilyang Pilipino.
Ngayong nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Delfin, anong gagawin ni Cardo upang maipaghiganti ang kanyang lolo?
Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.
Kelan ba nakaungos ang GMA shows sa Kantarantaduhan na rating survey na yan? Very obvious na napaka biased haha. If you were to ask the advertisers, mas importante sa kanila ang Mega Manila rating kesa National dahil sa higher purchasing power and bigger number of TV households sa Mega Manila. Simple lng nman ginagawa ng ABiasCBN eh, mind conditioning using Kantarantaduhan survey firm. I leave it here.
bitter pa more… haha
That’s not being bitter bro, that’s being suspicious and critical because I’m using my mind. Ang tawag dun critical thinking hehe
Halatang namang kasama sa payroll ng ABiasCBn ang writer na to. Ciempre ang basehan mo ay ang Kantarantaduhan na survey firm na halata nmang napaka biased ang survey result. Remember nang nagstart ang Sunday PinaSaya, ang taas ng rating nito sa AGB at biglang nag iba ng format ang ASAP. You know why? Kse threatened sila at naniniwala sila sa AGB. Ayun, hanggang ngaun talo ng Sunday PinaSaya ang ASAP sa AGB pero sa Kantar, alam na this hehe
Kahit ano pa ang sabihin ng mga bitter, hindi maikakailang ang ABS-CBN ang pinakasikat at pinamalakas na TV network sa Pilipinas.
alam naman ng lahat na abs-cbn lang ang tv network na subscriber ng kantar media. bakit hindi nila ilabas ang survey naman ng agb nielsen na mas maraming tv networks ang subscribers?
saan ang source mong abscbn lang ang subscriber magresearch ka nga
If you were to ask the advertisers, mas importante sa kanila ang Mega Manila rating kesa National dahil sa higher purchasing power and bigger number of TV households sa Mega Manila.
encantadia days are over, matagal na, kung bakit ibinalik pa
Be objective. . . pareho nalang kayo ng Kantar survey – sarado isip!
mahina na talaga ang engcantadia, huwag nang in denial, napanood na yan eh, tsaka puro bano ang mga pumalit, di bale sana kung mas magagaling sila sa orig
di mo nga napanuod ang original kasi nun pa sarado na isip mo.