Galing sa Dubai ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin para i-shoot ang ilan sa mga mahahalagang eksena ang kanyang Summer Metro Manila Filmfest entry na Love or Money katambal si Angelica Panganiban.

Kaya naman nang bumalik siya mula sa nasabing estado ng United Arab Emirates, kinantiyawan agad siya ng isang faney at sinabing ‘off limits’ muna ito at wala munang kiss o beso-beso si Cardo kay Alyana, mga karakter nila sa toprating teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Marami ang nag-like ng nasabing post at may netizen din na nagsabing dapat ‘no touch’ muna si Coco kay Yassi.

Para naman kay Coco, naiintindihan niya ang intensyon ng faney .

Sa kaso naman ni Coco, kahit na-postpone ang kauna-unahang Summer Film Festival, itinuturing niyang blessing in disguise na rin ito dahil may panahon silang mapaganda pa ang kanilang Star Cinema entry ni Angge na idinirehe ni Mae Cruz Alviar. (Archie Liao)