tonite-this-is-it-roldan-castroMay post si Coco Martin sa kanyang Instagram account na “I am only responsible for what I say, not what you understand”.

Posibleng may kinalaman umano ito sa kanyang statement at pagpuna ng mga netizen sa sinabi niyang “Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan may kanya kanya tayong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino kaman hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!”

Na-misenterpet ng ilang member ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community ang pagkakasabi niya ng ‘kabaklaan’. Ang feeling nila ay nagkaroon ng discrimination tungkol dito.

Pero dahil mapagmahal at may respeto si Coco sa mga bading, wala siyang intensyon na husgahan ang mga ito. Kumbaga, nagkaroon lang ng wrong choice of words.
Pak!
***

Jennylyn-Gabby nag-aapoy ang chemistry

Napanood namin ang pilot episode ng bagong primetime serye ng GMA-7 na “Love You Two.” Panalo ang istorya ng tele-pelikula ng RomCom Queen na si Jennylyn Mercado.

Bagama’t sa bandang dulo makikita ang teaser ng eksena nina Gabby Concepcion at Jen, nag-aapoy ang chemistry nila.

Yummy rin si Clint Bondad kaya siguradong magwa-water-water ang mga bading­ sa kanya. Nakakaarte rin siya at malakas ang rehistro niya sa screen. Matuk mo, si Jennylyn pa ang nag-propose ng kasal sa kanya, huh!

Ang maganda sa “Love You Two,” kikiligin ka na, matatawa ka pa sa ilang eksena.

Bukod dito, espesyal at kakaiba ang treatment ng naturang serye. Pampelikula ang ginamit na kamera kaya wagi ang Kapuso viewers.

For the first time, gumamit ang GMA Drama Group ng digital-motion picture camera system na Alexa at kinuha rin nila si Pao Orendain, na cinematographer ng pelikulang “Sid & Aya: Not a Love Story,” “Hintayin sa Langit,” “Shake Rattle & Roll XI” at “When The Love Is Gone.”
Makakasama rin nina Jennylyn at Gabby sa “Love You Two” sina Solenn Heussaff, Shaira Diaz, Sheena Halili, Jerald Napoles, Kiray Celis, Nar Cabico, Yasser Marta, Michelle Dee, Freddie Webb, Madeleine Nicolas at Joshua Zamora.
Tsuk!