Coco sa mga Kapamilya: Laban, walang dapat katakutan

Tumodo na sa paglabas ng saloobin, na may kasamang panggigil at galit si Cardo Dalisay a.k.a Coco Martin.

Bukod sa maanghang na komento niya laban sa mga vlogger, lalo na sa mga basher, at sa mga taong nagbunyi sa pagkakasara ng ABS-CBN, hayun nga at tuluyan na niyang binangga ang mga troll.

“Ngayon ko lang naramdaman ang sarap pala sa pakiramdam yung nalalabas mo yung mga nasa sa loob mo yung wala kang kinatatakutan at pinangingilagan kaya pala masayang-masaya yung mga bashers at trolls sa ginagawa nila e! Kc tayong mga artista walang magawa kapag nilait nila kapag kinutya nila di tayo makapalag, ngayon wala na tayong trabaho pantay-pantay na tayo pwede na tayo lumaban wala na tayo dapat katakutan!!! Sila gustong-gusto nila basahin kung ano ang mga post natin ngayon ang pagkakataon para makaganti tayo awayin natin sila at wag basahin ang mga comments nila hayaan natin sila mag comments para magmuka silang tanga!!! Sa lahat ng mga bashers namin libre lait walang magbabasa!!!” caption ni Coco sa IG post niya.

Nakasulat nga ang mga linyang…
“Starve a Troll Today
1…Do not comment. The troll write abrasive and shocking posts. Yung simpleng comment mo na ‘ay ang tanga mo’ pera na agad `yun. Remember pag nag-react ka kumikita sila.

2…If you do comment, delete after the troll replies. The troll will be waiting for you to answer and bait you into an argument. Waste his time by deleting all your comments so he does not get paid for it.

3…In a separate comment, encourage other people to block the troll. This will earn the troll a demerit.

4…Alert other people in the group about the trolls you’ve blocked.
5…Unfollow all troll queen blogs. Do not share. You don’t need to read them. You’ll be happier if you don’t.”

Let’s take back the internet! #SilentNoMorePH.

Nag-agree naman ang ilang mga artistang malalapit kay Coco, tulad ni John Prats.

“Tama. hindi lang natin sila pinapatulan dati. kahit halata naman na may kinikilingan sila.”
(Dondon Sermino)