Coco, susubok magdirek ng pelikula

Carlo Caparas at Coco Martin

HAVEY: Nakapag-first taping day na ang comeback project ng Young Superstar na si Judy Ann Santos sa Bet On Your Baby Season 3.

Sobrang na-overwhelm si Juday sa first day niya balik-trabaho.

Celebrity families ang kasama niya sa napakasayang pilot episode including Amy Perez, Dimples Romana, Patrick Garcia, Matt Evans at Hashtag Nikko.

Naninibago pero masayang-masaya si Juday sa bagong development na ito sa kanyang TV career.

Ready na siya sa mga bagong exciting na projects coming her way.

Incidentally, may in-offer na katapat na show sa ibang istasyon para kay Ryan Agoncillo na may title na Ryan’s Playlist.

Kailangang linawin ni Ryan sa pamunuan ng GMA 7 na sana, hindi na sila magkasabay at magkatapat ng timeslot ng kanilang programa.

Nu’ng last season kasi ng Bet On Your Baby nagkasabay sila ng Picture Picture na show ni Ryan.

Nabigla ang mag-asawa at nagbatian at nag-guest-an na lang sila sa kani-kanyang show.

Pero iba na ngayon. Comeback project ito ni misis, kaya kinausap talaga ako ni Ryan at sinabing ibigay na natin ang moment kay Juday na halos dalawang taon ding absent sa sirkulasyon.

Hanggang sa si Juday na ang nagsabi sa pilot episode niya na, “Ang birthday gift ng asawa ko sa akin ay ‘yung hindi niya tatapatan ang show ko, and I really appreciate that.”

Kaabang-abang ang pilot episode nito pati na ang magagandang selebrasyon at pasabog na dala ng buwan ng Mayo para kay Juday.

Ang isa pang milestone ay ang kanilang 8th wedding anniversary ni Ryan this Friday.

***

WALEY: Ipinost na ng manager ni Coco Martin ang picture ni Coco at ng Komiks King & box-office director na si Carlo J. Caparas.

Binigyan na ng permiso ni Direk si Coco at grinant na ang rights para sa pagsasapelikula muli ng Panday.

Matatandaang nauna na sina FPJ at Bong Revilla sa pagbubuhay sa karakter na Flavio sa kanilang interpretasyon ng hit epic series.

Ang pinakapasabog dito ay hindi lang aarte si Coco kundi susubukan niya na rin ang pagdi-direct sa project na ito na posibleng entry to the upcoming Metro Manila Film Festival 2017.

Exciting ito sakaling matuloy!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.