Coco tinanggihang ‘makaromansa’ ni Maxine

Coco Martin

HINA­YANG na hinayang si Maxine Medina sa dapat sana ay acting project nila ni Coco Martin. Dapat sana ay siya ang leading lady ni Coco at hindi si Mariel de Leon, kung tinanggap lang ng kanyang management team ang offer ng grupo ng Kapamilya actor.

Sa panayam namin kay Maxine sa presscon ng ‘Spirit of the Glass 2, The Haunted’, sinabi niyang dapat sana ay magsasama sila ni Coco sa isang acting project.

https://www.instagram.com/p/BZnsj70BRlA/?hl=en&taken-by=mr.cocomartin

Nang mag-disguise kasi si Coco sa kanyang action serye na Ang Probinsyano, at nagbihis babae, marami ang nagsabing kamukha ng aktor ang noon ay kapapanalo pa lang sa Binibining Pilipinas pageant na si Maxine.

Sey ni Maxine ikinatuwa niya ang reaksyon ng mga tao tungkol sa pagkakahawig nilang dalawa at binanggit nitong meron dapat silang pagsasamahang project.

Nu’ng mga panahong ‘yun hindi kaya ng schedule ni Maxine sa Binibini ang mag-showbiz kaya tinanggihan ng kanyang team ang alok. Pero ngayong sumabak na sa showbiz ang beauty queen, isa raw sa mga pangarap niya ay ang makapareha ang action star.

Hindi sure si Maxine kung ang MMFF entry ni Coco na Ang Panday ang dapat sana ay project na gagawin niya dahil hindi naman na umabot sa kanila ang detalye ng project matapos nila itong tanggihan.

Game na game na sa showbiz si Maxine dahil ito na lang daw ang hindi pa niya nasusubukan sa tanang buhay niya, at ilan sa kanyang mga kamag-anak ay nag-showbiz din.