THE cat is out of the bag. Sa Kantar Media (ratings provider ng mga ka-Dos), FPJ’s Ang Probinsyano remains as the most watched program in the country.
It scored 41.1% vs Mulawin vs Ravena 22.5% (pilot episode) and it also won last Friday, 36.6% versus Encantadia’s finale 27%.
Sa AGB Nielsen/NUTAM People In TV Homes, ang drama ni Coco Martin ay may rating na 12.7%. Ang telefantasya ni Dennis Trillo, 12.2%
Sa readers & televiewers, kayo na ang bahalang humusga at mamili kung kaninong ratings provider ang inyong paniniwalaaan.
Ang hindi pwedeng ipagkaila, sa parehong ratings provider, hindi ganu’n ka-impressive ang digits posted ng ka-Siyete telefantasya.
Anyare? Saan nagkulang? Ano ang nakalimutang dalirutin kaya ganito ang kaganapan?
Nagkatotoo ang propesiya na kahit ano pa ang itapat sa Ang Probinsiyano, laging kabog.

Ang mga Sang’greng istarletita, luhaang nagtapos. Ang kasisimula pa lamang, with the Kapuso’s Drama King Dennis Trillo headlining, wah epek ang pagaspas ng kanyang mga pakpak.
Ang konsolasyon sa ibonserye, sa ratings provider na pinaniniwalaan nila, halos dikit ang ratings nila sa Coco Martin action drama.
At hindi na rin masamang maitututing na they mustered 22% sa ratings provider ng mga ka-Dos.
Ang ka-afraid, kung sa mga sumusunod na araw, eh mas bumaba pa ang ratings of the show at ‘yung dikit nila sa kanilang ratings provider, eh hindi nila maintained…
If that becomes the case, well, dapat na sigurong mag-isip-isip ang mga ka-Siyete kung anong klaseng palabas pantelebisyon ang yayakapin ng kanilang demographics.
Sa lahat ng kasali sa Ang Probinsiyano, mahusay at mabuhay kayo!
Cardo, please naman, tigukin mo na si Joaquin!
Finally tiguk na si Joaguin. Long live Kardo at Ang Probinsyano deserves until 2018.