Coco, tutok sa edukasyon nina Paquito, Ligaya at Dang

Coco Martin

NAPANOOD namin sa Instagram ang kids cast ng Ang Panday na sina Awra, Paquito, Heart, Dang, Bingo, at Ricky Boy, mga character names lang nila sa kani-kanilang teleserye.

Sumasayaw ang mga ito sa Baby Shark Challenge. Nakakaaliw ang mga bata na nakikita mong nag-e-enjoy sa kanilang trabaho.

Alagang-alaga ang mga ito sa set ng Ang Panday. Mula sa kanilang standby area, sa kanilang pagkain at sa oras ng kanilang pagtatrabaho.

“Mahal na mahal ang mga ‘yan ni Coco,” sabi ng kausap namin.

“Pagdating ni Coco, sa tent ng mga bata agad ‘yan unang pupunta. Makikibalita. Sina Paquito, Ligaya at Dang, mga scholars ni Coco, siya ang nagpaaral. Inaalam niya ang update sa paga-aral ng mga ‘yun!

Kahit sa kanilang acting, nakatutok din si Coco. Kapansin-pansin ang improvement ng mga bata lalo na si Paquito. Kahit ang mga 4-year-old na si Ricky Boy ay talaga namang napaka-cute at bibo. Kung matutukan ito, puwede itong maging next child wonder.

Iba’t iba ang role na ginagampanan ng mga batang ito sa Ang Panday na tiyak na kagigiliwan ng bata ngayong Pasko.