Gustong sundan ng Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ang yapak ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.

Bukod kasi sa pagiging aktor, isa ring director si Coco.

Creative consultant din ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” co-star ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at ng kanyang mga pelikulang iprinudyus.

“Siguro, magsisimula muna ako sa mga short films,” hirit niya.

Aniya, gusto rin daw niyang matutunan ang iba’t ibang aspeto ng filmmaking tulad ng pagsulat ng iskrip, editing, production design at maging pagdidirek.

Hirit pa niya, mala­king bentahe raw na ang dubsmash videos na kanyang ginawa ay ideya o konsepto niyang lahat at sa palagay niya, makakatulong ito kung sakaling karerin na niya ang paggawa ng pelikula.

Si Maine ang leading lady ni Coco sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

Ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” na produksyon ng CCM Productions, APT Entertainment at MZet Films at idinirehe ni Mike Tuviera ay kalahok sa ika-44 na edisyon ng Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa Disyembre 25, araw ng Pasko.