Coco umapela sa mga pasaway

Nagmakaawa si Coco Martin sa kanyang 2-minute video sa publiko.

“Nakikiusap po kami sa lahat ng mga Filipino na sana po ay sumunod tayo sa panuntunan ng ating gobyerno. Hanggang ngayon po ay wala pa ring gamot laban sa virus na kumakalat sa buong mundo,” sey niya sa online show na “Promdibate” nina Jerald Napoles at Kim Molina.

Dagdag pa niya: “Sa ngayon po, tanging disiplina at pakikipagkooperasyon ang ating panlaban.

“Pagod na pagod na po ang ating frontliners at marami sa ating doctors at nurses ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mailigtas lang po tayo. Kaya please nakikiusap po kami sana po ay sumunod naman tayo.”

Naniniwala si Coco na ang disiplina at pakikiisa ng mga madlang pipol ay malaking tulong para hindi lumala ang krisis sa COVID-19.

Beauty dedma sa pagsasara ng Dos

Ayaw magsalita ni Beauty Gonzales sa ABS-CBN shutdown.

May nagtanong sa kanyang Instagram live kung ano ang reaksyon niya sa pagsasara ng Dos pero mas pinanindigan niya ang pananahimik.

“Wala akong reaksyon, no comment,” pakli niya .

Feeling namin base sa tanong na ‘yun ang nabasa niya.

May ibang netizen pa rin na nagtanong tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang mother studio pero dedma siya.

Natatakot daw ba Beauty na ma-bash kaya umiwas siya sa nasabing tanong?

Pero in fairness sa kanya may ‘Laban Kapamilya’ photo naman siya na nasa IG.

May post din siyang ribbon at logo ng ABS-CBN na ang caption ay “Down, but not out. . It’s not how many times they put you down, it’s how many times you stand back up! FAMILY IS FOREVER .”

Marahil sapat na ang statement niyang ‘yun kaya ayaw na niyang mag-elaborate pa.

Pak!