BONGGACIOUS! Tarusch ang showdown ng alindog nina Ella (Vice Ganda) at Paloma (Coco Martin) noong Lunes (August 8) sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Nagpanggap muli si Cardo (Coco) bilang ang kaakit-akit na si Paloma upang mahuli ang grupo ng online scammers na pinangungunahan ni Ella.
Sa pagbabalik ni Paloma, nahumaling muli ang balana sa kanyang mga titig at ngiti.
Kaya naman nakapagtala ang serye ng national TV rating na 43.3%, kumpara sa 19.4% ng Encantadia, ayon sa Kantar Media/TNS
Nanguna rin sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag na #FPJAPKabugan dahil sa pagpapakitang gilas at nakatutuwang dance moves ni Ella na kinagiliwan ng netizens. Mahuli na kaya ni Cardo ang mga kawatan?
Maging sapat kaya ang alindog ni Paloma upang matugis sila?
***
Maraming nanunukso na Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag-ibig kina John Lloyd Cruz at Ciara Sotto.
Nag-guest si Ciara sa Home Sweetie Home.

Abot ang tuksuhan sa dalawa na mukhang masaya namang nakapag-move on na.
***
Habang masaya ang bayang magiliw sa pagkakapanalo ng ating kababayan ng medalya sa Rio Olympics, marami ang nagngingitngit sa mga nanonood ng coverages at news reports na laging nagsasabing NASUNGKIT natin ang medalya.
Pati korona o award, nasungkit din.
While we know that it is an idiom, parang mas may degree ng paghihirap at pagsisikap para makamit ang karangalang iyun para sa bansa.
Hindi basta nasungkit lang. Hindi ba, Eloisa Matias?
***

Marami ang nagtatanong, may bago nang pelikulang Pilipino na magbubukas ngayon, pero naka-P100M man lang ba ang How To Be Yours nina Bea Alonzo at Gerald Anderson?
Totoo bang mas kumita pang di hamak ang murang i-produce na naunang pelikula nina Gerald at Arci Muñoz?
***
Nanganak na ang wife ng original Starstruck director na si Lino Cayetano.
Ito na bale ang ikalawang anak nila kasunod ni INO at may pangalang medyo mahaba — Fille Renee (after Lino’s dad) Cainglet Cayetano.
Nanganak na rin ang kinakasama ni James Yap na si Michela Cazzola kaya kuya na rin si Bimby.
***
Totoo kaya ang kumalat na balitang nag-resign, bumalik at hindi na tinanggap ang pagbabalik ng TV5 President na si Noel Lorenzana?
Paano na ang ibang alipores nito na ipinasok niya sa network na tinatawanan sa likod dahil hindi raw sapat ang kaalaman nito sa prodution at all?
Akala ko FPJAPKalibugan..kc nasa eksena si Vice….hahaha!!!
Kantar?..probinsyano 43.3%?..lokohan pa more..lol
Sarili mo ang niloloko mo he he.
YAN ANG SABI NG KANTAR, LAM NA DBA? HEHEHEHE EH PANO ANG SABI NG NIELSEN? 60% ANG SA ENGKANTADYA AT 4% LANG SA ANG PROBINSYANO KASI NGA DAW NABALAHURA NA ANG KAY FPJ NG KABAKLAAN YAKKKKKKK
hahaha! TAMA!
In denial mga bobong to
MAS BOBO KANG PUNYETANG PANGIT, TSUPI KA DITO PWEEEE