Roldan Castro
Buong ningning na ipinagtanggol ni Lorna Tolentino si Coco Martin bilang director ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Totoo bang mainitin ang ulo ni Coco sa set ‘pag nagdidirek?
“Hindi ko naman na-experience. Kahit gaano siya kapagod… there was a time na almost 24 hours kaming nagso-shoot dahil kailangang maraming mamatay na kakandidato, but still ganoon pa rin.
“Siyempre, natural lang ‘yung magagalit ka nang konti pero alam mo ‘yung natural lang. Hindi ‘yung (OA) siyempre may aberya iinit ng konti ang ulo mo na natural lang naman, normal. Hindi ‘yung out of the blue na basta na lang makapag-aria ka gagawin mo,” paglilinaw ni Ms. LT nang makapanayam namin sa aming online show sa Abante Tonite na “Tambayan ng Tsika Tonite.”
Sinabi pa ni LT na hindi naiilang si Coco sa kanya bilang director. Open daw ito kung merong idea na puwedeng i-share sa kanya. Nakikinig daw ito at wala sa ulo niya ang kasikatan niya ngayon. Hindi lang daw aktor, director si Coco sa serye kundi kasali rin sa creative team.
Sa online show naman na “Take it..Per Minute” nina ‘Nay Cristy Fermin, Manay Lolit Solis at Mr. Fu ay tinanong din kung may alam ba si LT sa tsismis na may relasyon umano sina Coco at Yassi Pressman.
“Sa palagay ko walang malisya ‘yan as mag-partner. Kasi may unit at mga tent ang mga babae na hiwalay sa mga lalaki, so, magkakasama naman kami, si Angel, si Yassi.
“Off-cam wala akong nakita na dapat kong pag-isipan na merong nangyayari,” sambit pa niya.
Anyway, kasama na si Lorna sa pamilya ng Beautederm Corporation at sa nalalapit nitong ika-10 anibersaryo.
“Honored ako at sobrang saya ngayong bahagi na ako ng pamilya ng Beautederm,” sabi ni Lorna. “Ilang taon na din akong loyal user ng Beautederm at formality na lang ito dahil matagal na akong may tiwala sa bonggang produktong ito,” deklara niya.
Talbog!
“Isa si Ate LT sa pinakamatalik kong kaibigan at nakakataba ng puso na kasama na siya sa aming pamilya,” saad ng Beautederm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. “Napakabu-ting tao niya at walang kupas ang kanyang ganda. Isa ako sa tagahanga ng kanyang body of work bilang isang aktres.
Madami rin kaming humahanga sa kanyang legendary beauty. Major asset si Ate LT sa Beautederm Corporation at lubos ang kaligayahan namin na kasama na namin siya,” dagdag pa ni Ms. Rei.
Ngayong November, tampok na rin siya sa Beautecon 2019 with Sylvia Sanchez, Carlo Aquino. Nandiyan din ang bagong kapamilya ng Beautederm na sina Gabby Concepcion at Ejay Falcon.
Talbog!
***
Jerome nakipagtukaan sa 2 bebot
“Nagustuhan niyo ba ‘yung pelikula?” bati ni Jerome Ponce nang makita kami sa parking lot ng Megamall at binuksan ang bintana ng kanyang sasakyan.
Nanood kasi kami sa premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikula na “Finding You” ng Regal Entertainment.
Nagandahan kami sa materyal ng “Finding You” na puwedeng ipagawa sa mga sikat ding love team.
Swak sa millennials ang atake. Kakaiba sa mga romance movie na napanood namin. Bet namin ‘yung twist ng pelikula.
Pati ang pag-enter ng kanilang surprise guest malapit sa ending ay aliw ang eksena.
Pareho ring mahusay sina Jerome at Jane Oineza sa movie.
Bati nga namin sa ama ni Jerome na si Jessie Delgado after ng movie, “ang galing na talaga ng anak mo.”
Anyway, nanood at sumuporta rin ang girlfriend ni Jerome, ang volleyball star na si Mika Reyes.
Tinanong namin kung ano ang reaksyon ng kanyang nobya sa kissing scene niya kina Claire Ruiz at Kate Alejandrino. Hindi pa raw niya nakakausap nu’ng mga oras na ‘yun.