Cocolife tumapos na panlima

Mga laro sa Martes: (Tunasan, Muntinlupa) 
5:00 p.m. — Cignal vs Foton (Battle for 3rd) 
7:00 p.m. — F2 Logistics vs Petron (G1) 

Tumapos na fifth placer ang Cocolife nang talunin ang tigasing Sta. Lucia, 18-25, 25-22, 25-21, 25-20, kagabi sa pagtatapos ng classification round ng PSL All-Filipino Conference sa De La Salle Sentrum sa Lipa, Batangas.

Habang sinikwat naman ng Generika-Ayala ang ikapitong puwesto nang paluhurin ang Cherrylume, 25-19, 25-11, 23-25, 25-17, sa unang laro.

Binalikat ni Fiola Ceballos ang opensa ng Lifesavers matapos kumana ng 15 points mula sa 13 attacks at dalawang service aces upang tapusin ang kanilang kampanya na galing sa panalo.

Bumakas din sina team captain Gen Casugod at Patty Orendain ng 13 at 11 markers ayon sa pagkakasunod para sa Generika-Ayala sa event na suportado ng Rebisco, Belo, at Gold’s Gym habang TV5 ang official broadcast partner.

Binitbit ni Central Philippine University sa Iloilo City, Ceballos, ang Lifesavers sa sets 1 at 2 bago natisod sa third set.

Naging matatag ang Generika-Ayala sa fourth frame, umarangkada ng 10-4 sa simula bago itarak ang 17-7 advantage matapos ang sandalan sina Orendain at Mikaela Lopez.

“Pride na namin ang nakataya. Ayaw namin na tumapos kami na nasa huli,” saad ni Ceballos kilalang beach volley specialist.

Dinomina ng Lifesavers ang Iron Lady Warriors sa attack zone, 56-31, at service box, 10-7.

Nirehistro ni skipper Mary Ann Mendrez ang 17 kills at dalawang service aces para sa Cherrylume na binubuo ng mga players mula University of the East.