Inanunsyo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kani-kanilang social media accounts na isasara muna nila ang kabubukas lang na negosyo dahil sa COVID-19.

“As a precautionary measure due to the “COVID-19” outbreak concern, we would like to inform everyone that Littlerbucks will be temporarily closed starting today until further notice.

“We are urgently starting our sanitation as we want to protect our cat-loving customers,” ang nilalaman ng announcement nina Jen and Dennis.

Matatandaang last February binuksan nina Jen and Dennis ang Litterbucks, a café for cat lovers na matatagpuan sa Maginhawa St., Quezon City.

Keber sa coronavirus: Coco tuloy sa Dubai

Sa gitna ng corona virus scare ngayon, kinailangang umalis nina Coco Martin at Angelica Panganiban patungong Dubai para sa shooting ng Love Or Money movie nila. Ang nasabing pelikula ay isa sa mga official entries para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ngayong Abril.

Umalis si Coco last Saturday base na rin sa video na ibinahagi ng manager niyang si Biboy Arboleda.

Ayon kay Coco ay hindi naman daw kailangang matakot sa corona virus dahil nananalig siyang hindi naman tayo pababayaan ni God.

“Siyempre, mag-ingat, pero ‘yung takot, hindi, eh. Kasi, alam kong di naman tayo pababayaan ni God pero doble ingat lang, para sa mga tao, lahat ng mga Pilipino, kayang-kaya natin ‘yan. Malalampasan din natin ang matinding pagsubok na ‘to. Alam ko namang si God lang ang makakahinto ng lahat ng ito,” pahayag ni Coco sa video habang nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) awaiting his flight.

First travel ito this year ng aktor at sey niya, hindi ito bakasyon dahil trabaho ito pero sana raw ay magkaroon siya ng oras para makasalamuha ang mga OFW (Overseas Filipino Worker) natin sa Dubai.

Siyempre, sobrang excited ng aktor na nakapasok ang Love or Money sa summer filmfest dahil noon pa ay tuwang-tuwa raw siya talaga sa mga kalahok sa mga filmfest at pinangarap niya ring someday ay makasali rin siya rito.

“Talagang bata pa ako, sabi ko, pangarap ko na laging nanonood ng mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival. Siyempre, lalo na ngayong naging artista na ako.

“Every December, pag Christmas, kahit paano, pinapalad, nakakapasok ang mga pelikula natin sa filmfest.

“At ngayon, ‘yung kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival, nakapasok din po ‘yung pelikula natin na Love or Money. Nakakatuwa kasi, alam mong sulit ‘yung pinaghirapan saka alam mong ginagawa mo ‘tong pelikula na ‘to para sa mga manonood ng mga pelikulang Tagalog,” sey ni Coco.

Sobrang nilu-look forward daw niya ang Love or Money dahil first time raw niyang makakasama si Angelica na alam naman daw nating napakahusay na aktres.

“Ibang kumbinasyon, ibang istorya, napakatotoo, sabi nga nila. Title pa lang, nakakaintriga na nga,” he said.

Angelica bokya pa rin sa lalaki

Speaking of Angelica P., sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung kumusta ang kanyang love life at kung hindi ba siya naiinggit sa mga kasabayan niya sa showbiz na may mga pamilya na.

“How’s your love life? Dika ba minsan napapa isip na Yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos kaw Wala pa? Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo Yun. #lablab,” komento ng netizen sa Twitter page ni Angge.

Sagot naman ng aktres, “always 🙂 gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay yun. Okay naman ako.”

Dalangin ng mga fan ni Angelica na sana’y magkaroon na ng love life ang aktres at matagpuan na nito si Mr. Right.