COLDPLAY, GRABE ANG ENERGY

Coldplay

WALEY: Sa 55,000 capacity ng Singapore National Stadium, multiplied into two days, you can just imagine ang dami ng tao sa Singapore nitong nakaraang weekend.

Kasama sa local celebrities na talagang lumipad papuntang Singapore para manood ng Coldplay concert sina Angelica Pa­nganiban, Glaiza de Castro, Rocco Nacino, Ketchup Eusebio, Jerald Napoles at Gerry Acao.

Among the many media personalities na nandu’n din sina Mitzi Borromeo ng CNN, Gino ng Mor­ning Rush, Migs Bustos ng ANC, at mga staff ng Summit Media and people from the music production and advertising.

Kapag natatanong mo kung bakit ninais pa ng maraming Pinoy na mangibang-bansa para lang mapanood ang isang concert act tulad ng Coldplay, heto ang madalas nilang sagot.

Una, mas mura ang concert tickets. Doble ang mura sa presyo rito sa ating bansa.

Ikalawa, kahit may dagdag na cost sa airfare at accommodations, mas mura pa ring lalabas ang gastos kesa sa ticket sa Maynila.

Ikatlo, mas convenient and may seats sa aircon stadium kaysa sa nakatayo sa isang open air na laging may pangambang ulanin. (Huwag naman sana!)

Nilabas ng ABS-CBN ang listahan ng TOP TEN MOST EXPENSIVE CONCERT TICKETS sa ating bansa at heto ang nga kasali:

1… STING & CHRIS BOTTI (Marriott at the Resorts World) — P64,716

2…MADONNA (MOA Arena) — P57,757

3… IL DIVO (Newport, Resorts World) — P32,100

4…BRITNEY SPEARS (MOA Arena) — P28,350

5… RIHANNA (MOA Arena) — P26,990

6… J LO (MOA Arena) — P25, 840

… 7107 INTERNATIONAL MUSIC FESTIVAL — P25,000

8…COLDPLAY (MOA Concert Grounds) — P22,000

9…ARIANA GRANDE (MOA Arena) — P22,170

10… AEROSMITH (MOA Arena) — P20,000

Bakit ganu’n kamahal ang concert tickets sa Pinas? Kahit ang ibang promoters ay nagsasabing sobrang marked up ang bid dito sa Pilipinas compared sa ibang bansa.

Too bad, ang sho-shoulder ng bigat ng cost ay ang audiences.

Isa rin sa mga narinig kong dahilan kaya kaila­ngang taasan ang presyo ng concert ticket sa atin ay dahil kailangang bawiin ang laki ng tax at bayarin sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Kawawa ang Pinoy concert goers.

Kailangan na lang na mag-enjoy at sulitin ang concert experience sa pa­nonood ng Coldplay bukas.

Grabe ang energy, excellent ang performance, first-rate at hi-tech ang staging at special effects, tiyak mag-eenjoy ang manonood ng Coldplay.

Nagulat din ako sa marami pa rin ang nagbebenta ng kanilang bulto ng extra o hindi na gaga­miting tickets sa FB.

Sana, pagkatapos ng concert na ito, mabigyan ng kaukulang pansin ng pagpapababa ng ticket prices ng concerts sa ating bansa.

Or else, baka mag-gain ground ang pag-a-out of the country para may concert na, may bakasyon pa.

***

HAVEY: Sa aming pamamasyal sa Singapore, maraming mga Pinoy ang may kuwento sa isang sikat na loveteam na nag-show roon.

Labis nilang minahal ang babae na sobrang amiable, mabait at accommodating sa fans.

Panay magagandang salita at papuri sila sa female star na ito na sana raw ay mabigyan pa ng magagandang solo pro­jects.

Kaiba ang impressiong naiwan ng lalaki na aloof at suplado sa fans. Nang mag-request ang host na may s­ayawin na special request ng audience doon, isang pabalang na NO ang natanggap ng mga tao na hindi napagbigyan ng male star.

Marami tuloy side comments na “baka sabog” ito o “nakainom.” Sabog at lasing agad? Hindi ba puwedeng wala lang sa mood?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.